31 weeks na ko and hindi na ko makapag antay na manganak. Well ayoko pa naman manganak kasi hindi pa enough ang term ng baby pero natatakot na kasi ako. Lumalabas na yung mga worst symptoms since nasa third trimester na ko. For example yung carpal tunnel syndrome ko mas lumalala. Dati kaya pa syang remedyohan ng wrist splint and ng b complex na supplement pero ngayon wala ng talab. So talagang i suffer with the pain lalo na pag matutulog na ko or magpapahinga sa bed. Yung blood pressure ko na hindi na kayang control-in ng maintenance ko na Methyldopa, kaya kailangan na dagdagan ng another blood pressure med na Nifedipine. Nakakatakot kasi nagshu-shoot up to 180/100 yung bp ko and tulad naman ng sabi ko sayo before, takot akong mamatay. This pregnancy is very brutal sa katawan ko kaya hindi ko alam why may ibang babae na kaya nila mabuntis ng pa ulit ulit nonstop lol pero that's their life, their choice. Pero this experience is making me realize na okay na ko sa isang anak. Masaya na ko sa isang anak and ayoko na ulit danasin to kasi hindi biro! Totoo ang sabi nila na pag ikaw nag buntis and nanganak ang kaliwang paa mo asa hukay. Pupwede ka talagang mamatay dahil sa complications and ayoko pang mamatay! Gusto ko pa tumanda kasama ang napaka bait at gwapo kong asawa at gusto ko pa makitang lumaki ang anak ko. Lord please give me enough strength para malagpasan tong pregnancy journey ko na to and I promise you I will be a good wife to my husband and will do my best to be a good mother to my son.
January 27, 2024
January 03, 2024
My Fear Of Death
Eto na naman ako sa pagiging super pessimist ko. Pero c'mon please don't invalidate naman my fears. You gotta understand na this will be my first major surgery kaya ang fears ko wagas. Unang una takot akong mamatay sa operating table. Dahil sa age ko and other health complications I'm 101% sure masi-CS ako. Ok lang sakin yun. To be honest mas gusto ko pa na naka schedule na lang yung CS ko para hindi na magka tarantahan. Ayoko mag vaginal delivery and mag labor ng matagal at maramdaman yung vagina ko na nabibiyak. I respect those mamas who prefers it kasi ibig sabihin kaya nila yung pain. Unfortunately ako, hindi ko kaya. So again for sure masi-CS ako and syempre pag CS may anesthesia and ang worry ko baka magkaron ng complications and mamatay ako sa operating table. Pag namatay ako papaano na lang ang asawa ko? Shit. Nawala na nga yung worry ko sa parents ko napalitan naman ng pag aalala sa asawa ko. I guess ganito talaga pag nagmamahal ka. Continuous ang worry mo for them kahit gaano ka ka prepared.
Alam ko naiinis sakin yung asawa ko everytime I would discuss with him yung kailangan nyang gawin if ever mamatay ako sa panganganak. I know ang creepy pero mahal ko sya kaya ayoko na dagdagan pa yung paghihirap nya by making it more confusing for him kung sino ang ko-contact-in para sa cremation and burial. Ganon kasi ang ginawa ng parents ko for me kaya nung nawala sila hindi naging mahirap sakin ang pag aasikaso ng funeral nila. Believe me ayoko din syang pag usapan pero andito na tayo sa point na we are mature adults naman na and there's nothing wrong with being prepared. If hindi mangyari ang kinakatakutan natin edi thank God. Pero if mangyari atleast we are prepared.
Another fear ko is what if something bad happens to Calvin during the delivery? Mababaliw ako I swear. Ang dami kong napapanood sa tiktok about stillbirth, mga abnormalities na makikita mo lang after the delivery and lahat na ng worst case scenario yes na imagine ko na. Grabe kasi yung pinagdadaanan ng body ko during this pregnancy and I just want to have a happy ending for all of us. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare. Hindi ko pa nami-meet ang baby ko pero yung pagmamahal and pangarap ko sa kanya abot langit na.
Kaya hindi ako napapagod magdasal sa Panginoon na please ibigay na nya sa amin si Calvin. Ibigay nya sa amin na healthy and walang any problems. I just can't wait to be a good mama to him. I can't wait to create beautiful memories with him. Mga bagay na hindi ko na experience before nung maliit pa ko, I will make sure my baby experiences it. I just love my life, my husband and my baby so much. All I ever want is for my pregnancy and delivery to be successful. I trust in you God.
January 02, 2024
Happy New Year 2024
House Hunting Sucks
First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...
-
Papaano ko ba to sisimulan ng hindi magsa-sound na ungrateful? Mag 1 month na din ako dito sa America and masaya naman ako kahit papaano kas...
-
My baby is finally home. Actually noong March 5 pa and today is already our 25th day of being with him after staying in a month sa NICU. N...
-
Medyo nadedepress na ko. No it's not post partum depression. More like naiinip na ko, nafufrustrate and all I want is to bring home my...


