July 29, 2023

I'm Pregnant!!!

Hindi ko ineexpect yung bubulaga sakin this morning. Ilang araw na kasing masakit yung dede ko. Akala ko naman dahil sa magkakaron na ko kasi usually ganon naman nangyayare sakin. Pero nagtataka ako bakit hindi pa din ako nagkakaron. Napag isipan ko lang na mag pregnancy test and laking gulat ko talaga na makitang mag positive sya. Naka ilang try ako and i even tried using a different brand ng pregnancy test. Lahat positive. Hindi ko ineexpect na mabubuntis pa ko. Before panay ang pregnancy test ko and almost always negative kaya I decided na hay nako come what may na lang. So syempre sinabi ko agad sa asawa ko and ofcourse parehas kaming mixed emotions yung naramdaman. Happy, excited and at the same time natatakot. Ako ang worry ko eh yung complications because of my age or baka mamatay ako during delivery or baka lumabas yung baby na may diperensya. Syempre lahat yun sabay sabay kong naiisip. I'm sure yung asawa ko din nataranta. Natutulog kasi sya non and kailangan ko syang gisingin to deliver him the news and ayun nga nagkabulagaan kami lol. 

Does life truly begins at 40? For me parang oo. Tyaka pansin ko when i stopped thinking about getting pregnant, nung dumating ako sa point na tinanggap ko na lang na hindi na ko mabubuntis tyaka naman eto binigay sakin. Ofcourse hindi ko din natiis na i-share sa mga very close people sa buhay ko. Mahirap ilihim yung ganitong experience. Kekelanganin mo talaga ng karamay. Kaya im thankful na very supportive naman yung mga sinabihan ko. 

Pero tulad nga ng sinasabi ko sa asawa ko at sa mga sinabihan ko na please let's not get too excited muna kasi too early pa yung pregnancy. Madami pang pwedeng mangyare like pwedeng hindi matuloy yung baby. Right now my husband and i are trying to be as positive as we can pero we are also prepared for the worst. Ngayon pa nga lang na nalaman ko na positive ako sa pregnancy test parang minamahal ko na agad tong nasa sinapupunan ko kaya masasaktan talaga ako if mawala sya. Magdadasal ako sa Diyos na ibigay na nya sa amin tong blessing na to para mabuo na kaming pamilya. 

July 18, 2023

The Zamoras

 


So dumaan this morning yung 2 pinsan ko and yung Tito ko today from my mother side. This is the first time they are seeing my mom since ma bedridden sya. Last pasyal ata nila dito last year pa and mama can still walk that time. Thankful ako at finally pinasyalan nila ulit ang mama kasi from my observation medyo nagdedecline na sya and hindi natin alam baka eto na ang last chance nila na makita ang mama. 

Kabado din ako kasi first time din nila mami-meet nung isa kong pinsan and most especially nung tito ko yung asawa ko. May history ng pagiging judgemental yung tito ko pero i'm so happy na tanggap nila yung asawa ko. Masaya sila na tinutulungan ako ng asawa ko sa pag aalaga sa mama ko. Alam nila na hindi ko kakayanin lahat if nag iisa lang ako. Pasalamat din ako kasi mismong si mama ang nagkukwento kung gaano namin sya inaalagaan. Very grateful din sya for having my husband as her son in law. Masarap yung madinig from her and happy ako na nadidinig din yun ng mga kamag anak ko directly from mama's mouth. Ang lagi ko kasing worry eh isipin nila na pinapabayaan ko ang mama. Lahat naman ng makakaya ko ginagawa ko for mama and gusto ko ma realize nila yun. 

Anyways all I can say now is today's been a good day. Everything went well and i'm very proud sa asawa ko and I guess to myself na din. Sabi nga nila I should give myself more credit kasi hindi biro ang sacrifices ko. Thank you Lord for this good day. 

July 16, 2023

Broke AF!

 

Para na kong mababaliw sa kaka isip kung saan pa kukuha ng pera pangtustos sa gastusin for mama. Hirap na hirap na ko mentally, emotionally and physically. Mentally kasi halos mabaliw na ko dito kaka isip paano pagkakasyahin yung pera para lang maibigay lahat ng medical needs ng mama. Emotionally kasi masakit sakin na nakikita ang mama na nagdedecline. Physically kasi nag iisa lang ako na nag aalaga sa kanya. I mean i hire a caregiver pag nagdadialysis sya kasi parang day off ko na din yun pero hindi naman yun magkukusa na alagaan ang mama ng walang bayad. Ako lang ang nag iisang willing to take care of her ng walang kapalit. Andito nga yung asawa ko para tulungan ako lalo na financially pero ayoko syang abusuhin. Hindi nya responsibility ang mama. May mga bagay na gustong bilhin yung asawa ko pero hindi nya magawa kasi lagi nya kaming iniisip ng mama. Naaawa din ako sa asawa ko and ayokong isipin nya na taken for granted sya. Pero anong magagawa ko kung yung mga taong so called na nagmamahal daw kay mama ay mga ayaw namang tumulong or alagaan man lang sya at bisitahin? Mahirap din pag maldita ka nung kalakasan mo, makikita mo yung consequences pag tanda mo kasi walang mga gustong mag alaga sayo. Unlike kay papa before madaming nangangamusta at willing na alagaan sya kasi napakabuti naman kasi talagang tatay, tito at kaibigan ang papa. 

I'm thinking about making mama's dialysis once a week na lang. Kung hindi pumayag ang nephrologist nya eh anong magagawa ko? Hindi dahil sa yun ang gusto ko but dahil yun na lang talaga ang afford ko. Hindi lang naman dialysis ang gastos ng mama kundi gamot nya, injections nya and diapers nya. Hindi biro mag alaga ng matanda. Kaya ayoko man sabihin to pero ang lagi ko lang dasal sa Panginoon eh sana wag na nya pahirapan pa ang mama. Wag na nyang patagalin pa ang sufferings nya. For her sake and for my sake. 

Our Future


Yung only thing na nagbibigay sakin ng pag asa sa buhay is yung future ko kasama yung asawa ko. Kung hindi ko siguro nakilala yung asawa ko and kung hindi kami magkasama ngayon baka nalugmok na ko sa matinding depression. Siya yung peace ko. Pag nagagalit ako or nalulungkot just spending time with him is enough para kumalma ako. Napaka swerte ko kasi sa kanya. Ang bait, very devoted, matulungin and sobrang concerned hindi lang sa akin but sa mama ko, mga pets ko and pati na din dito sa bahay ko na punong puno ng sira. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya. Hindi madali mag isa sa buhay. Well hindi naman talaga ako mag isa pero parang ganon na din kasi ang mama bedridden and ulyanin na. 

Very excited ako for our future. Sana ma approve yung US spousal visa ko para we can start a whole new life in the US. Sobrang magtatrabaho ako ng maayos don, mag iipon, mas mamahalin yung asawa ko and pati yung family nya na walang ibang ginawa kundi pakitaan ako ng maganda. Mahal na mahal nila ako kaya mahal na mahal ko din sila. I can't wait na matutong mag drive don, ma experience yung buffets nila, see their beautiful cities, mag sailing, experience my first snow, mag grocery on my own and madami pang iba. I know na it's not going to be an easy experience kasi first time ko to travel sa US and tumira. Homesickness ang major worry ko tapos nag iisang Asian ako sa family nila and aware naman ako sa mga problema ng colored people sa US pero kakayanin ko yun kasi ginusto ko to eh. Tyaka kasama ko naman ang asawa ko and family nya to protect me. Pero alam ko na they will not always be around to protect me kaya kelangan matuto din ako to protect and defend myself.

Sobrang excited ako pero I will make sure na maging part ka ng journey ko. I will update you as much as I can. Promise walang iwanan.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...