December 21, 2024

It Finally Happened


Hindi ko ine-expect na dadating din ako sa point na to. Akala ko talaga hanggang dasal at panaginip na lang pero Lord really knows how to move in mysterious ways. Biro mo after being expedited last week eh eto may schedule na kami for my biometrics, medical and consular interview. Lahat sila mangyayari this coming January 2025. Yung biometrics ko gaganapin sa Parqal mall on the 6th then yung medical ko the next day naman. Tapos yung consular interview ko sa US Embassy will happen on the 21st. Nakapag book na din kami ng reservation sa Red Planet Hotel for our stay kasi ba naman at 7:30am yung interview ko. 

While inaayos ng asawa ko yung online booking for my appointments grabe yung kabog ng dibdib ko. Kung ano ano ang umaandar sa isipan ko. Magkaka problema ba yung processing katulad ng na experience ng iba? What if may findings sa medical ko which will be the cause for my visa denial? Sobrang madaming  madidisappoint sakin. Pero mas lalo na ako sa sarili ko. I know i will do well sa interview kasi gagawin ko lahat ng best ko to practice beforehand. Pero ano ang gagawin ko sa mga bagay na way out of my control? 

Lord grateful po ako sa early Christmas present nyo na to sa amin. Thank you po at we were included sa mass expedite na nangyare pero Lord eto na naman po ako. Nagdadasal. Nagmamakaawa. Na sana tuluyan nyo na pong ibigay sakin ito. Matagal ko na po tong pangarap. Hindi lang ng sarili ko but pangarap namin tong mag asawa na madala nya ako sa  America kasama ang baby namin. Please ibigay nyo na po. Ang tagal po naming inantay to. We were very patient about it kaya sana Lord please reward us with more good news in the upcoming weeks.

Sa susunod na post ko it's either good news or bad news. Yes ganyan ako ka negative thinker. Pero mina-manifest ko na na we will receive good news. Sana magkatotoo. I believe in the Lord Jesus Christ. He will give me what is right for me. Sa ngayon punong puno ako ng anxiety and grabe yung palpitations ko everytime naiisip ko lahat ng kailangan kong gawin next month. It will all depend on me now. Ni hindi ko maramdaman na ma excite kasi talagang natatakot at kinakabahan ako. Lord help me please. 

December 13, 2024

Expedited!


Kaming mag asawa mentally accepted na namin na baka 6-8 months pa before ako ma schedule for interview ng US embassy dito sa Manila. Masakit pero tanggap na namin kaya nga nagpapaka busy na lang kami sa anak namin para hindi lang namin mamalayan yung oras. Kaya nagulat kami when we received an email this morning from the NVC telling us na na approve daw ang expedite request namin. As far as we know lahat ng request namin for an expedite wasn't granted pero base sa Facebook group na sinalihan ko na nagkaron pala ng massive expedite and thank God napasama ako doon. Now all we have to do is wait for another email from them about my visa interview schedule para makapag pa book na din ako ng schedule for my medical. 

Grabe nakakaloka. Mukhang mapapaaga ang punta ko sa America. Masaya ako pero kinakabahan din kasi hindi ko alam kung ano ang haharapin ko don. Sa isa lang ako sure, masaya ako na mabigyan ng ganitong opportunity. Pangarap ko lang to dati. Hindi ko ineexpect na magkakatotoo. Thank you Lord at binigyan mo ako ng mabait na asawa, mabait na in laws at napaka cute na baby. Lord I can't take you enough. Excited ako for the future. 

October 24, 2024

The Inheritance

 


Akala ko nung una pahihirapan pa ko ng RCBC sa pag claim ng corporate bond earnings ng mama and papa sa kanila. Thank God hindi ko na kailangang mag personal appearance pa at mag submit ng kung ano ano pa. Kasi automatic na naming na receive yung pera sa bank account namin. Nagulat ako kasi gusto ko lang naman i-check yung savings account ko kasi baka may natitira pa na pwedeng magamit then *boom* nagulat ako sa laki ng amount na naka deposit. Masaya ako and malungkot. Masaya kasi it will help us a lot since may baby na ko. Malungkot kasi eto na ang huling cash assistance ng napakabuti kong parents sa akin. Thank you so much mama and papa. Kasi even though wala na kayo dito tuluyan nyo pa din akong tinutulungan. Mahal na mahal ko kayo mama and papa. I miss you so much. Sana andito kayo to witness Calvin's growth. Sobrang nakakatuwa sya kasi ang dali nyang patawanin. Maloloko kayo dito sa baby na to. I hope you are proud of me. I am trying my best to be a good wife and mother. You guys are my inspiration. Again, thank you mama and papa. Papasyalan ko kayo sa columbary soon. 

My Jolly Jumper Baby


Baby ko ang kulit kulit mo na. Sobrang likot mo na and andito na tayo sa point na pwede mo ng masaktan ang sarili mo dahil sa kakulitan mo. Kaya todo bantay kami ng papa mo sayo. Ang galing galing mo ng mag crawl and nakaka upo ka na din. I can see you trying to stand up na and sobrang saya ko to see na you are reaching your milestones on time. Ang saya ko din kasi finally you realize na how to use your jolly jumper. Dati kasi pag nilalagay kita don nakatanga ka lang lol pero ngayon you already know how to use it. Nakakatuwa kang panoorin baby ko lalo na pag nanggigigil ka sa kakatalon. I can't wait when you can finally talk so we can already have conversations. You are going to be my bestfriend baby ko. Mahal na mahal ka namin ng papa mo. I am so excited for your future together.

September 29, 2024

Documentarily Qualified

 

I am finally documentarily qualified meaning NVC has already approved all the documents that we've submitted to CEAC's portal. Next step is they will contact us for my medical test and interview date which again will take a while pero ok lang kasi malapit na naming ma reach ang end ng napaka habang process na to. From what i've heard napaka bagal daw makatanggap ng interview letter if you are processing your visa application sa US Embassy Manila. Hindi na ko nagulat kasi napaka daming gustong lumayas dito. Pero atleast i have my baby to keep us distracted. Mas mabilis lumipas ang araw pag abala ka sa pag aalaga ng baby. 

Since ang next step na lang is medical and interview, i know naman na i will ace the interview, ang next ko na kailangan paghandaan is the medical test. I guess kailangan ko ng mag hinay hinay sa pag lamon. I will try my best to lose some weight and maybe update my medicines. I'm afraid na hindi ko maipasa yung medical test and ako ang maging dahilan para masayang lahat ng pinaghirapan namin para lang makarating sa point na to. Ayokong masisi and ayoko na ma apektuhan ang future ng anak ko if hindi ako makapasa. Syempre hindi ako papayag na mahiwalay sa baby ko. Hindi ako papayag na dadalin sya ng daddy nya sa America tapos ako maiiwan dito. Ipaglalaban ko yun and sigurado naman ako na hindi yun gagawin ng asawa ko sakin. 

Masyado akong advance mag isip. May time pa naman para maayos ko yung health ko and i'll start today. I need to be discipline about it. Ang prayer ko lang eh sana hindi ako magkaron or mahawa ng any communicable diseases kasi yun talaga ang sure ball na madedeny ang visa ko. Sana kung ano man ang maging findings sakin eh sana hindi yun maging cause ng visa refusal ko. Lord help me. Malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko. 

September 20, 2024

My Son Is Now Officially An American Citizen!

 

Yes just like what you've read on the title, my son is now officially an American citizen! I am so happy kasi atleast na asikaso na namin yung US citizenship nya as early as now. Happy din ako na magkasama kaming mag asawa na inasikaso yon sa US embassy. Naging madali ang mahirap kasi magkasama kami. Kung ako lang ang mag isa don kasama si baby nako baka na tae na ko sa nerbyos. Very intimidating ang US embassy and lalo na yung mga immigration officers. 

Nakakaawa lang tingnan yung ibang mga Pinoys na nakapila sa embassy. Umabot na hanggang overpass yung pila sa sobrang haba. Napakaraming nag a-apply ng tourist visa sa US and ang dami ding nadedeny. Thank God when it's finally my turn to be interviewed eh i wont be in the same line. Pipila ako sa immigrant visa interview lane and i believe mas shorter yung line for that. I really hope it happens soon kasi sabik na sabik na kong makita ang America with our baby. It will be my baby and i's first time to America :)

Anyways, pag nagka extra money kami we will be applying naman for our son's Philippines passport. Syempre let's take advantage yung pagiging dual citizen nya. Para din naman sa kanya to para mas madami syang opportunities. He can decide if saan nya ba gusto, if sa America or sa Pilipinas. I am so excited for my son's future. Sana humaba pa ang buhay ko para masubaybayan ko ang pag laki nya. I've never felt this kind of love before. Iba pala talaga ang level ng pagmamahal ng isang ina sa anak. I love being a mom :)

August 25, 2024

I Guess This Is Goodbye?


Alam mo konti lang naman ang kaibigan ko ngayon na may edad na ko. As in nabibilang sa daliri kung ilan lang sila. Pero kahit konti lang sila I can say na they are true. Maliban sa isa. Malaki ang tampo ko sayo. Sa totoo lang namimiss na kita and gusto ko sana mag hangout naman tayo kahit sandali pero mahigit isang taon na kitang hindi nakikita. Mahigit isang taon ka ng hindi nagpapakita sakin. Ang dami mong excuse and hindi ka naman ganyan dati. Panay ang aya ko sayo. Lagi ko sinasabi sayo na pag hindi ka na busy sabihan mo lang ako para mag catch up naman tayo pero puro ka lang sige sasabihan kita pero wala namang nangyayari. Gusto ko sana na makilala mo na yung anak ko pero again puro ka lang sige soon. 

Yung pagbabago mo na notice ko na nagsimula ever since nalaman mo na may serious jowa na ako at iksasal na ko. Alam ko may usapan na tayo dati na tanggap na natin na tatanda tayong dalaga. Kaya alam ko nabigla ka nung sinabihan kita na uy mag ready ka na kasi ikakasal na ko and you need to be there. Thankful ako na kahit sa short notice na yun nakagawa ka pa din ng paraan to be there. Mas lalong lumala yung pagbabago mo when I made up my mind na hindi na kita pauutangin ever. You still try every now and then pero I always say no na to you. Nadala na ko ng sobra eh. Tyaka nagawa ko na ang lahat para sayo before pero ikaw wala kang ginawa para mabago yung sitwasyon ng buhay mo. Lalo pa ngayon na may asawa at anak na ko syempre iba na yung priority ko. Sana naiintindihan mo yun pero alam ko deep inside one of the reasons kaya ayaw mo ako makita eh dahil don.

Hindi ko alam kung naiinggit ka ba or naiinis sakin. Pero mare naman magkaibigan tayo eh. Naaalala ko pa na may usapan tayo dati na kung meron satin ang nakapangasawa or nagka anak na hindi natin yun hahayaan na maging cause ng rift ng friendship natin. We will still find ways para makapag hang out and makapag usap. Pero wala damang dama ko na yung pagiging distant mo sakin. Unti unti natatanggap ko naman na. Pakiramdam ko nagluluksa ako sa pagkawala ng friendship natin. Why do you have to let it end this way? Sinabi ko naman sayo na naka process na yung pag alis namin papuntang US. Ano hanggang sa umalis ba ko magiging ganyan ka pa din?

I guess hindi ko na lang ipagpipilitan ang sarili ko sayo. If this is goodbye then so be it. Basta alam ko i did my best to salvage this friendship.

August 22, 2024

Calvin's US Citizenship!

 


We already have a schedule for Calvin's US citizenship sa US Embassy. Nakaka excite kasi finally mabibigyan na din sya ng passport and we can finally secure his future sa US. I'm a proud mama and I'm sure daddy is very proud too. Happy din kami kasi hindi matagal ang inantay namin when it comes to getting a schedule sa US Embassy Manila. Happy ako and nervous at the same time kasi hindi sya ganon ka simple. Imagine they will interview both parents of the child and you need to convince them na anak nga namin sya and mas lalo na anak ng asawa ko na US citizen. So lahat ng proof kailangan dalhin namin and we need to be prepared sa mga questions na they might ask. I do not want to jeopardize Calvin's future by giving the wrong answers or not having the right documents during the interview. Kaya now pa lang pine-prepare ko na yung mga documents and magpa-practice na kami ng isasagot. Wish us luck! 

August 15, 2024

Graduate from ROP!

 


Hindi ko ineexpect na aabot na kami sa ganitong point na hindi na muna namin poproblemahin ang mata ni Calvin. Yes graduate na sya from ROP kasi nag mature din eventually ang retina and vessels ng mata nya. Masaya kaming mag asawa kasi nagawa namin ang lahat para hindi mabulag ang baby namin. Thank you sa neonatologist ng baby namin na nag recommend sa napaka galing na ophthalmologist na naka gamot kay baby. So from dating halos everyday na check up nya sa mata, then naging every other day, naging every 3 days, naging every 5 days, naging once a week, then once every 2 weeks, naging 3 weeks, naging once a month, and ngayon naging every 3 months na lang! Praise be to God. Ang dami din naming pinagdaanang pamilya. Nakakapagod yung mga hospital visits kasi hindi biro yung mag travel sa hospital kasama ang baby. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa naging success ng treatment sa mata ni Calvin. 

Pero syempre tuloy tuloy lang ang panalangin namin kasi syempre hindi pa din maaalis na premature ko pa din na pinanganak si Calvin so may mga risk factors pa din yan like strabismus, lazy eye or baka need pa din nya mag salamin at a very young age. Pero i'm praying na kung kailanganin man nya mag salamin sana wag muna ngayon. Magiging sagabal kasi ang eyeglasses para totally nyang ma enjoy yung kabataan nya. Like if gusto nya makipaghabulan, harutan or any activities syempre mas masarap kumilos without you worrying na malalaglag, magfa-fog or mababasag yung salamin mo. Kaya sana Lord wag muna. Pag adult na lang sya para he'll be more careful and mature in handling it.

August 02, 2024

USCIS Approved!

 


Finally after 13 months of waiting we finally heard from USCIS and case approved na kami! Yung saya naming mag asawa hanggang langit! Pero akala mo ba hanggang don na lang ang American dream journey ko? Akala mo ba makaka fly na ako agad sa US of A? Nope! Hindi pa dyan nagtatapos kasi nagsisimula pa lang ang laban. After ng approval namin sa USCIS they will forward our case to NVC which stands for National Visa Center. Then both the beneficiary and petitioner had to submit yung required documents. After paying the additional fees and after submitting the documents eto na naman ang simula ng kalbaryo namin. We had to wait hanggang makatanggap ng interview letter kung saan in that letter sinasabi na we can already have our medical test and finally schedule for an interview. Hulaan mo kung gaano katagal ang waiting time for that part? Base on my research, inaabot ng up to 10 months ang waiting time! OMG diba?? Gosh baka tumatakbo na yung anak namin bago pa kami makalipad pa America. Nakaka upset pero thankful pa din ako kasi kahit papaano pasado na kami sa first stage. Yung first stage yung pinaka matagal and mahirap. Pero Lord sana lubos lubosin mo na yung biyaya mo samin and help us pa din with the remainder of our journey. Gusto ko talaga makapunta ng America kasama ang asawa at anak ko. Help us reach our dream Lord.

July 12, 2024

USCIS What's Up?

 


Ano na USCIS? More than a year ng pending yung spousal visa application ko pero hindi pa din gumagalaw yung application ko. Nung umpisa medyo tanggap ko pa na magiging matagal kasi aware naman ako sa duration ng processing pero nabuntis na ko, nanganak at eto 5 months old na yung baby namin pero ni kahit anong movement walang nangyayari sa application ko. Hindi na din naman ako bumabata and gusto ko din naman ma meet yung relatives ko sa side ng asawa ko and gusto ko din na ma meet nila yung baby ko kaya medyo naiinip na ko. Hindi din biro mag antay ng mahigit isang taon. I know may ibang applicants na over 2 years ng walang nangyayari sa application nila and ayoko naman mapunta sa ganong situation. Maswerte na lang ako kasi andito kasama ko yung asawa ko. He helps me sa bahay, sa gastusin and sa baby. Pero eventually he'll need to leave and come back home and gusto ko sana kasama na nya kami ni Calvin. Sobrang malulungkot ako if mag isa na lang ako dito sa bahay with the baby.

Madaming times lalo na sa gabi bago ako matulog where I imagine how my life in America would be and it's all positive. I'm very hopeful. Alam ko hindi magiging madali lalo na sa generation ngayon pero kakayanin ko for Calvin. Tyaka gusto ko din bigyan yung sarili ko ng opportunity to grow and to learn and experience more things. Grateful ako sa asawa ko and his family for giving me and Calvin that opportunity. I'm praying to receive some good news regarding our application soon. Cross fingers.

June 29, 2024

You Can Finally Roll Over!

 

Anak I am so proud of you kasi you can finally roll over! Grabe yung saya namin ng papa mo anak nung nag roll over ka on your own. Sa sobrang saya ko anak napasigaw ako and natakot ka ata kasi you just started crying afterwards lol pero ginulat mo talaga kami! Hindi namin ineexpect na magro-roll over ka na kasi nung isang araw lang nag aalala na kami sayo kasi mukang wala kang plano na matuto mag roll over. During tummy time umiiyak ka lang hanggang sa makatulog ka. Pero ngayon hindi ka na namin mapipilit mag tummy time kasi you can now roll over on your own! Worried kami ng papa mo kasi baka mamaya may delay yung development mo pero so far on time naman ang developmental milestones mo. Your papa and I can relax for the meantime. 

Ang next on your milestone is crawling! Anak sobrang excited ako sa developments mo. Parang kailan lang asa NICU ka at pakiramdam namin hindi ka na namin maiuuwi pero look at you now! You are growing up so fast and yung pagmamahal din namin sayo ng papa mo just continuous to grow din. We love you so much! 

Sleeping Through The Night

 


Grabe anak hindi ko alam na aabot na tayo sa point na hindi mo na ako pinupuyat sa gabi. Akala ko talaga never na ko makakatulog ng diretso ever since dumating ka sa buhay namin lol pero thank God kasi on your 3rd-4th month doon ka na nagsimulang matulog ng mas mahaba sa gabi. Sinasabayan mo na din kami ng tulog ng papa mo. Gosh akala ko forever na kong puyat and bangag! In fairness bilib ako sa sarili ko anak kasi for someone na sobrang matakaw sa tulog, can you imagine naka survive ang mama with just 2-3 hrs of sleep nung maliit ka pa? Lalo na pag nagcu-cluster feeding ka! You wake up every 1-2 hrs just to have your milk and grabe pagod na pagod ako non anak. Pero nothing is impossible lalo na if you are doing it for someone you love!

I love you so much Calvin. Hindi ko alam na such love exist. Iba pala talaga yung pagmamahal ng isang ina sa anak. Sa lahat ng paghihirap ko anak nung pinagbubuntis pa kita hanggang sa pinanganak kita at hanggang sa pag aalaga sayo, lahat ng puyat and hirap, they are all worth it! Madinig at makita lang kita na bumubungisngis ng tawa nawawala lahat ng pagod ko anak. I love you so much. Your mama and papa will try their best na palakihin ka ng maayos. I hope you appreciate us someday. 

June 01, 2024

You Don't Like Mama Anymore?

 


I see that you are now developing a huge liking to your papa which is okay with me. It makes me happy to see you forming a good bond with your papa. Pero anak sometimes nagseselos na ang mama. May times kasi na mas prefer mo na si papa mo na lang ang mag karga sayo. Minsan ang papa mo na lang ang nagpapa kalma sayo. Umiiyak ka at nagwawala pag ako ang may karga sayo. Mas tumatawa ka din pag ang papa mo ang nagpapatawa sayo. Nakikita ko na nagba-brighten yung eyes and face mo pag nakikita mo ang papa mo. Never ko nakita yun sayo pag ako ang nakikita mo. Why naman anak? What did I do wrong? Ako ang nag buntis sayo, nagpakahirap sa pagbubuntis, muntik ng mamatay sa pagbubuntis, ako ang na cesarian section at ako ang mas puyat at hirap sa pag aalaga sayo pero bakit sa papa mo pa din ikaw mas malapit? I know pag nabasa mo to pag malaki ka na iisipin mo na ano ba yan si mama very immature. Yes anak, immature pa ang mama now and i'm sorry. Ikaw ang first baby ko and hindi ko nga alam paano ako naka survive sa pregnancy at sa pag aalaga sayo. Kaya I consider you as my best achievement in life anak. Kaya pag pasensyahan mo na ang mama if nararamdaman ko to ngayon. Naiinis ako at nagseselos. I can't help it anak kasi i witness it everyday and i see that you are loving your papa more than you love me. Sana the more na magka edad ka you will appreciate and love me too. Sana isa lang tong phase na eventually you will outgrow once nag mature ka pa. Kasi mama loves you so much and I want us to be bestfriends and I want you to love me too :(

May 07, 2024

I'm Worried About Your Eyes

 


Anak ok naman ang growth mo. You are gaining weight naman and very active and matakaw ka pa din. Grabe ka pa din mamuyat dahil sa katakawan mo. Okay dn ang wiwi and poopoops mo. Pero ang inaalala ko na lang para sayo is yung mga mata mo. Premature ka kasi ang nalagay ka sa incubator sa NICU and nalagyan ka din ng oxygen kaya mas lalong tumaas yung chance mo na magka Retinopathy of Prematurity (ROP). Kaya hindi na kami nagulat nung na diagnose ka with it. Sabi ng opthalmologist mo na si Dr. Fajardo from Philippine Childrens Hospital na need mo daw ma injectionan sa eyes para ma correct ng mas maaga. Syempre hindi kami nag hesitate ng papa mo ipagawa agad yung procedure kasi gusto namin ma save ang vision mo. Ma aapektuhan ang future mo if hindi namin gagawin lahat para maayos ang mata mo. Kaya kahit butas pa ang bulsa namin from pagbabayad sa confinement ko kasi na cesarian section ako to give birth to you and para na din sa 1 month stay mo sa NICU, hindi na kami nagdalawang isip pa. Problemadong problemado ang papa to find funds for your eye procedure pero magaling ang papa mo. He's a hero! He found a way. Thank you sa effort ng papa mo and sa tulong na din ng mga loved ones mo from America napa injectionan namin ang eyes mo immediately. 

Ever since na injectionan ka regular na ang check up ng eyes mo. Slowly improving naman daw sabi ni Doc ang eyes mo pero hanggang ngayon hindi pa din nagmamature yung veins. Sana naman before ka mag 52 weeks old maging mature na ang mata mo para hindi mo na kailanganing ma laser. Kasi pag na laser ang eyes mo mawawalan ka na ng peripheral vision. Anak gusto namin maging maayos ka kaya hindi kami nagsasawa ng papa mo na magdasal sa Diyos na sana ibigay na nya samin ang dinadasal namin para sa mga mata mo.

Mahal na mahal ka namin anak. Kahit minsan nakaka gigil ka kasi pinupuyat mo ko minsan at ang tindi mo mag tantrums pag gutom ka pero pag tinitingnan ko ang cute mong mukha and pag naaalala ko na hiniling ko kayong dalawa ng papa mo sa diyos, napupuno ulit ang patience bar ng mama mo lol anak sana lumaki kang mabait na bata, respectful, masipag mag aral, appreciative and grateful sa mga nagawa namin ng papa mo for you. Kahit anong mangyari mahal kita anak. Gagawin ko ang lahat for you. Mamahalin at patatawarin kita kung ano man ang maging pagkakasala mo basta wag ka lang gagawa ng any criminal offense ok?! Kami ng papa mo ang magiging kakampi mo kahit lahat sila iwanan ka. We will love you until our last breath anak.

April 16, 2024

I Love You So Much Anak

 

Panay pa din ang titig ko sayo everytime na natutulog ka kasi hindi pa din ako makapaniwala na anak nga kita. Anak, hindi ka madaling alagaan kasi sobrang iyakin ka tyaka ang lakas mo dumede and umihi. Minsan kung mang gising ka every hour kasi ang bilis mo magutom. Sabi naman ng pediatrician mo and ng papa mo na it's normal. It's called cluster feeding and it's normal specially now that you are a growing boy. Pag nakikita ko nga yung newborn pictures mo and cino-compare ko sa pictures mo now grabe ang laki na ng nilaki mo. Ang bigat bigat mo na din kaya ang bilis ko na mangawit everytime karga kita. May times anak na gusto kong umiyak dahil sa puyat and pagod sa pag aalaga sayo. I can't remember the last time na naka atleast 5 hours akong tulog na uninterrupted. Putol putol na ang tulog ko. Every hour or sometimes every 2 hours ginigising mo ako. During day time nakakabawi naman ako ng konting tulog kasi andyan ang papa mo to take over for me. Pero maswerte na kung maka 3 hours straight ako na tulog. Pero alam mo anak kahit nakakapagod sobra syang worth it. Mahal na mahal kita kaya kahit pagod na pagod at antok na antok na ko nawawala lahat ng yun pag nakikita kita na umiiyak for me. Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina. Mahirap pero very fulfilling lalo na pag nakikita kita na lumalaki ng maayos. 

Anak, sana lumaki ka na mabait na bata. Respectful to your parents and to your family in the US. Maging respectful din sa mga magiging friends mo and kahit sino mang makilala mo or dumating sa buhay mo. Mahal na mahal kita anak. I'm excited for our future in the US. Sana parehas tayong maging masaya sa bansang yun. I'm hopeful naman kasi hindi naman tayo mag iisa. We have your papa and his loving family for us. Sana talaga umusad na yung application natin sa US anak para naman hindi na masyadong mangulila ang papa mo and his family.

March 30, 2024

He's Finally Home

 


My baby is finally home. Actually noong March 5 pa and today is already our 25th day of being with him after staying in a month sa NICU. Naging very busy kaming mag asawa sa pag aalaga kay Calvin and hindi sya naging madali since parehas kaming first time parents. May mga highs and lows and grabe pag nasa low point talagang naiiyak ako pero it's all worth it. Sabi nila just to savour every moment you have with your newborn kasi mabilis lang ang panahon. Magugulat ka na lang malaki na yung anak mo and ayaw ng magpa kiss or magpatawag ng baby. 

May mga times na tinititigan ko lang si Calvin while he sleeps kasi hindi pa din ako makapaniwala minsan na galing sya sakin, na ako ang nanay nya. Ang ganda ganda nyang baby. Happy ako na kamukha nya si daddy nya and mukhang nakuha lang nya sakin is yung kalaparan ng mukha lol pero all is good. I'm very grateful to God na binigyan nya ako ng chance na maging ina. Hindi ko talaga iniisip na mabubuntis pa ko sa edad ko na to. Although ang dami kong naging pregnancy complications na iraos ko pa din ang panganganak. 

So far so good naman si Calvin. Under observation pa din ang mga mata nya since na diagnose sya ng retinopathy of prematurity. He underwent a procedure couple of weeks ago for his eyes and sa ngayon binabantayan na lang ng opthalmologist nya yung development ng eyes nya. Sana eventually maging okay na din para hindi na nya kailangan mag undergo ng laser treatment. I leave it all to God.

Kahit na very busy mommy and wife na ko i will still continue to update you with the baby's progress and with other stuff in my life. By the way nag submit pala ng request for expedite si Tyler for my spousal visal application. They contacted a government official from their state in South Carolina, si Senator Tim Scott and they responded and they would be willing to assist us for our request. Sana nga matulungan nila kami para na din kay Calvin and for our future. 

February 21, 2024

When Are We Going Home Calvin?

 


Medyo nadedepress na ko. No it's not post partum depression. More like naiinip na ko, nafufrustrate and all I want is to bring home my son from the hospital. It's a little over 2 weeks na since na confine sya sa NICU and I can say na he had a lot of progress and i thank God for that. Nung una naka intubate sya kasi nagkakaroon sya ng respiratory distress so nilagyan sya ng tube sa bibig so he can relax and breathe well. Eventually naalis din yun kasi he can breathe na on his own. Pero kelangan pa din sya lagyan ng nasal cannula sa ilong to assist his breathing which eventually naalis din. Then yung catheter nya sa pusod naalis na din kasi natapos na nya yung course of antibiotic nya and hindi na din nya kailangan ng IV fluids. I had to pump milk all the time para ma deliver sa hospital kasi mas prefer ng doctor nya and mas prefer ko din na milk ko ang i-feeding sa kanya. The thing is hindi pa sya maka suck properly. Hindi pa nya alam how mag suck, mag swallow and mag breathe at the same time during feeding. Sabi nila this is very common daw for premature babies. Kaya sa ngayon pinapakain pa sya via a feeding tube na naka suot sa ilong nya and it's connected to his stomach. I tried breastfeeding him pero he would only suck for a couple of seconds then iluluwa na nya yung nipple ko. I think since he's still very small baka nalalakihan pa sya sa nipple ko. He sucks naman through a baby bottle pero same thing only for a few seconds and then ayaw na ulit nya. Tinutulugan nya kami lol 

He's now 35 weeks old and im praying na matuto na sya mag suck properly so he can gain weight. Yun lang naman ang iniintay ng pediatrician nya para he can go home na. Syempre a part of me is worried na din sa hospital bill kasi hindi biro ang gastos sa panganganak ko and sa confinement ni baby. Alam ko nag promise sakin ang asawa ko na hindi nya kami pababayaan and he's keeping his promise naman pero syempre naaawa na din naman ako. Gusto ko makalaya na kami sa mga gastusin sa hospital bills. Tyaka gusto ko na din maiuwi ang baby ko. Hirap na hirap ako mag form ng connection or bond sa kanya kasi yung moments namin sa NICU very limited lang. Tyaka everytime i would cradle my baby syempre laging may nurse or doctor na nakabantay which i find very awkward pero I understand why kailangan ng presence nila. It also makes me sad everytime na uuwi kaming empty handed, na hindi pa din sya kasama. Nalulungkot din ako everytime uuwi kami then i can see all his baby stuff dito sa bahay pero sya na lang ang wala, ang kulang. Nakakapagod na din mag byahe lagi sa hospital and yung lagi kang nag aantay ng update or call from his pediatrician if everything is ok. Lagi kang aligaga or paranoid like what if something is wrong? I just want to be with my baby :(

Minsan iniisip ko if may ending ba to? Bakit pakiramdam ko hindi namin sya mauuwi? Sabi nila mabilis lang lumaki ang baby pero bakit parang ang tagal tagal this time. 2 weeks for me feels like an eternity. Ganito pala maging nanay? Parang never mawawala yung pangungulila mo sa anak mo. Yung gusto mo lagi syang nakikita and nakakasama. Pakiramdam ko naka LDR kami ngayon ng anak ko. Lord I know ang dami dami ko ng hinihingi sayo pero as a mother i just want to be with my baby. Please heal my son from any sorts of illnesses and please grant him the ability to suck properly para makauwi na kami. Para hindi na maunsyame ang discharge plan namin for him. So i can watch him grow. So we can love and take care of him ng walang nakabantay lagi. Lord im trying my best to be as patient as possible pero i cant help but ma depress everytime i think about my son being far away from me. Lord please grant my prayer. 

February 11, 2024

Welcome To The World Baby Calvin

Hindi na ko nagulat na napa aga ang panganganak ko. Sobrang daming complications ng pregnancy ko and either ako ang mamatay, si Calvin or parehas kaming ma tegi. Yung blood pressure ko sobrang to the roof. Nag 200/120 ba naman ako? Naka maximum dosage na ko ng Nicardipine drip and hindi pa din kayang pababain yung blood pressure ko. Nagsisimula ng magka respiratory distress si Calvin and need na talaga sya ilabas via cesarian section. We really have no choice and it sucks! Nakumpleto ko naman yung 4 dexamethasone shots para sa fast development ng lungs ni Calvin bago ma cs so kahit papaano na reassure kami. Pero im telling you hindi biro yung pinagdaanan namin ni Tyler before the c section. Halos mabaliw kaming dalawa kasi lagi kaming pinaghihiwalay kasi they had to do all sorts of tests on me and sobrang nakaka depress kasi mag isa lang ako in that lonely room. Pakiramdam ko i was a guinea pig kasi bantay sarado talaga. Pinaghalong pagod, fear, all over the place na hormones and depression kaya nahirapan talaga ako mentally. 

Sabi nila once na mailabas mo ang baby and makita mo sya you would feel na everything was worth it. Can i be honest with you? Medyo pakiramdam ko wala akong connection sa baby. Sabi nila it's called dissociation after birth. Maybe because i found the birth experience and the hospital stay very traumatizing kaya pakiramdam ko stranger pa yung baby ko sakin. Sana when we can finally bring the baby home I can finally start bonding with him. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na may baby na ko and everytime i visit him sa NICU pakiramdam ko hindi sya nanggaling sakin. Andoon pa din yung disbelief. 

Lord im praying na sana Calvin starts doing better so we can finally bring him home. So we can finally start taking care of him and loving him. I love my baby and i just can't wait to be with him. Tyaka ang taas na din ng NICU bill nya my gulay!

January 27, 2024

The Symptoms Are Getting Worse! Ugh

31 weeks na ko and hindi na ko makapag antay na manganak. Well ayoko pa naman manganak kasi hindi pa enough ang term ng baby pero natatakot na kasi ako. Lumalabas na yung mga worst symptoms since nasa third trimester na ko. For example yung carpal tunnel syndrome ko mas lumalala. Dati kaya pa syang remedyohan ng wrist splint and ng b complex na supplement pero ngayon wala ng talab. So talagang i suffer with the pain lalo na pag matutulog na ko or magpapahinga sa bed. Yung blood pressure ko na hindi na kayang control-in ng maintenance ko na Methyldopa, kaya kailangan na dagdagan ng another blood pressure med na Nifedipine. Nakakatakot kasi nagshu-shoot up to 180/100 yung bp ko and tulad naman ng sabi ko sayo before, takot akong mamatay. This pregnancy is very brutal sa katawan ko kaya hindi ko alam why may ibang babae na kaya nila mabuntis ng pa ulit ulit nonstop lol pero that's their life, their choice. Pero this experience is making me realize na okay na ko sa isang anak. Masaya na ko sa isang anak and ayoko na ulit danasin to kasi hindi biro! Totoo ang sabi nila na pag ikaw nag buntis and nanganak ang kaliwang paa mo asa hukay. Pupwede ka talagang mamatay dahil sa complications and ayoko pang mamatay!  Gusto ko pa tumanda kasama ang napaka bait at gwapo kong asawa at gusto ko pa makitang lumaki ang anak ko. Lord please give me enough strength para malagpasan tong pregnancy journey ko na to and I promise you I will be a good wife to my husband and will do my best to be a good mother to my son. 

January 03, 2024

My Fear Of Death

 


Eto na naman ako sa pagiging super pessimist ko. Pero c'mon please don't invalidate naman my fears. You gotta understand na this will be my first major surgery kaya ang fears ko wagas. Unang una takot akong mamatay sa operating table. Dahil sa age ko and other health complications I'm 101% sure masi-CS ako. Ok lang sakin yun. To be honest mas gusto ko pa na naka schedule na lang yung CS ko para hindi na magka tarantahan. Ayoko mag vaginal delivery and mag labor ng matagal at maramdaman yung vagina ko na nabibiyak. I respect those mamas who prefers it kasi ibig sabihin kaya nila yung pain. Unfortunately ako, hindi ko kaya. So again for sure masi-CS ako and syempre pag CS may anesthesia and ang worry ko baka magkaron ng complications and mamatay ako sa operating table. Pag namatay ako papaano na lang ang asawa ko? Shit. Nawala na nga yung worry ko sa parents ko napalitan naman ng pag aalala sa asawa ko. I guess ganito talaga pag nagmamahal ka. Continuous ang worry mo for them kahit gaano ka ka prepared.

Alam ko naiinis sakin yung asawa ko everytime I would discuss with him yung kailangan nyang gawin if ever mamatay ako sa panganganak. I know ang creepy pero mahal ko sya kaya ayoko na dagdagan pa yung paghihirap nya by making it more confusing for him kung sino ang ko-contact-in para sa cremation and burial. Ganon kasi ang ginawa ng parents ko for me kaya nung nawala sila hindi naging mahirap sakin ang pag aasikaso ng funeral nila. Believe me ayoko din syang pag usapan pero andito na tayo sa point na we are mature adults naman na and there's nothing wrong with being prepared. If hindi mangyari ang kinakatakutan natin edi thank God. Pero if mangyari atleast we are prepared. 

Another fear ko is what if something bad happens to Calvin during the delivery? Mababaliw ako I swear. Ang dami kong napapanood sa tiktok about stillbirth, mga abnormalities na makikita mo lang after the delivery and lahat na ng worst case scenario yes na imagine ko na. Grabe kasi yung pinagdadaanan ng body ko during this pregnancy and I just want to have a happy ending for all of us. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare. Hindi ko pa nami-meet ang baby ko pero yung pagmamahal and pangarap ko sa kanya abot langit na. 

Kaya hindi ako napapagod magdasal sa Panginoon na please ibigay na nya sa amin si Calvin. Ibigay nya sa amin na healthy and walang any problems. I just can't wait to be a good mama to him. I can't wait to create beautiful memories with him. Mga bagay na hindi ko na experience before nung maliit pa ko, I will make sure my baby experiences it. I just love my life, my husband and my baby so much. All I ever want is for my pregnancy and delivery to be successful. I trust in you God.

January 02, 2024

Happy New Year 2024

 


Wow ang bilis talaga ng panahon. It’s now year 2024 and what can I say? I’m excited. Ang pagkaka iba ng year na to sa so many new years in the past na lumipas eh with this one I’m very looking forward sa mga mangyayari. Unlike before na lagi na lang akong miserable at pessimistic. Well I’m still a very pessimistic person pero this time I can see a light at the end of the tunnel. This time kasi I’m no longer facing the future alone. Iba talaga ang nagagawa ng true love at pag nahanap mo na yung taong para sayo. I now have a good husband with me, who loves me and supports me and a son that we will be meeting soon. I love them so much and I can’t wait to create good memories with them this year 2024 and syempre you will be a part of it. 

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...