Hindi ko ine-expect na dadating din ako sa point na to. Akala ko talaga hanggang dasal at panaginip na lang pero Lord really knows how to move in mysterious ways. Biro mo after being expedited last week eh eto may schedule na kami for my biometrics, medical and consular interview. Lahat sila mangyayari this coming January 2025. Yung biometrics ko gaganapin sa Parqal mall on the 6th then yung medical ko the next day naman. Tapos yung consular interview ko sa US Embassy will happen on the 21st. Nakapag book na din kami ng reservation sa Red Planet Hotel for our stay kasi ba naman at 7:30am yung interview ko.
While inaayos ng asawa ko yung online booking for my appointments grabe yung kabog ng dibdib ko. Kung ano ano ang umaandar sa isipan ko. Magkaka problema ba yung processing katulad ng na experience ng iba? What if may findings sa medical ko which will be the cause for my visa denial? Sobrang madaming madidisappoint sakin. Pero mas lalo na ako sa sarili ko. I know i will do well sa interview kasi gagawin ko lahat ng best ko to practice beforehand. Pero ano ang gagawin ko sa mga bagay na way out of my control?
Lord grateful po ako sa early Christmas present nyo na to sa amin. Thank you po at we were included sa mass expedite na nangyare pero Lord eto na naman po ako. Nagdadasal. Nagmamakaawa. Na sana tuluyan nyo na pong ibigay sakin ito. Matagal ko na po tong pangarap. Hindi lang ng sarili ko but pangarap namin tong mag asawa na madala nya ako sa America kasama ang baby namin. Please ibigay nyo na po. Ang tagal po naming inantay to. We were very patient about it kaya sana Lord please reward us with more good news in the upcoming weeks.
Sa susunod na post ko it's either good news or bad news. Yes ganyan ako ka negative thinker. Pero mina-manifest ko na na we will receive good news. Sana magkatotoo. I believe in the Lord Jesus Christ. He will give me what is right for me. Sa ngayon punong puno ako ng anxiety and grabe yung palpitations ko everytime naiisip ko lahat ng kailangan kong gawin next month. It will all depend on me now. Ni hindi ko maramdaman na ma excite kasi talagang natatakot at kinakabahan ako. Lord help me please.

