June 13, 2023

Finally Got My Passport

Finally nakuha ko na din yung passport ko. Ang tagal ko ding inantay to. Actually meron na kong passport and sa year 2031 pa ang expiration kaya lang yung maiden name ko pa yung gamit ko don. Kaya nagpa renew na ko para this time ang gamit ko na is yung married name ko. As soon as nakuha ko yung passport ko nako dali dali na ko nagpa update ng mga account information ko from Globe (ok na!), PLDT (my goodness kaya pala naka ilang send na ko sa email nyo sa care@pldt.com and kaya pala wala akong natatanggap na any acknowledgement eh kasi systems down ang email nyo?), Philhealth (hello bakit lagi ding systems down kayo?), Gcash (medyo struggle lang magpa update with them pero after 2-3 days ok na din) and sana sa susunod pati yung sa SSS ko ma updated na din kasi balita ko months daw bago nila ma process ang request. And since meron na kong passport nagawa na din naming simulan ng asawa ko yung spousal visa application ko for the US. Biruan nga namin sino kaya ang mauuna na dumating? Yung US Visa ko or yung national id ko? Kasi nag apply na din ako kanina eh alam mo naman kilala ang national id sa pagiging delayed. Baka daw asa US na ko tapos tyaka pa dadating yung national id ko eh para saan pa yun? Lol

Anyways basta masaya ako na kahit struggle magpa update ng civil status at kumuha ng new ids sa Pilipinas eh kahit pa unti unti napapalitan ko na sya. Ang sarap kasi ng pakiramdam ng may mabait na asawa at pag ginagamit mo na yung apelido ng asawa mo. Parang you are living a whole new life and sobrang exciting and sobrang looking forward talaga ako. Alam ko na hindi laging ganito ang pakiramdam ng may asawa. I know na may mga moments na gusto mo na lang sakalin yung asawa mo sa inis pero ang mabuti saming mag asawa eh kahit nagkaka inisan kami hindi naman namin pinapatagal and madunong kaming mag apologize. Pero siguro talagang maswerte lang talaga ako sa asawa ko kasi sa sobrang topakin ko na to nagulat nga ako at minahal pa din nya ako. Sobrang grateful ko kay Lord at binigay nya sakin ang asawa ko.

June 07, 2023

Dreams Do Come True

Mukhang nagka totoo na yung matagal ko ng hinihiling sa Panginoon na sana gawin na lang nya na bedridden ang mama para hindi na ko laging nag aalala sa kanya. Please wag mo naman muna akong i-judge sa statement ko. Hindi madaling alagaan ang mama kasi napaka tigas ng ulo nya. Lumalaban sya. To the point na she’ll put herself in danger and wala syang pake. Ayun na nga ang nangyare kanina. For the nth time nahulog ulit sya and mukang this time medyo napuruhan na. Hindi pa din kasi nya matanggap na hindi na nya kaya. Pinipilit pa din nyang maglakad sa kung saan saan and hindi sya nagpapa awat. Mukang eto na ang magiging reason kung bakit kelangan na nyang mapirmi sa isang lugar. In short sa ayaw man nya or gusto eh mukang bedridden na sya.

Nung sinabi ko na gusto ko syang ma bedridden na lang hindi included yung makikita ko sya na in pain. Masakit pa din sakin na nakikita syang nahihirapan. Masakit kasi wala akong magawa and due to her age eh hindi na madali ang treatment and recovery nya. Ang prayer ko na lang kay Lord eh sana maging madali na lang for all of us ang transition. Alam ko hindi magiging madali kay mama na lagi na lang syang asa kama at hindi na nya magagawa ang gusto nya on her own. Hindi din naman magiging madali sa akin pero ano pa ba ang magagawa ko? Sa katigasan ng ulo ng nanay ko I know this time will come. Hindi ko lang ineexpect na ngayon na agad. Lalo pa after ko mabasa yung letter nya para sa amin ni Tyler na sobrang nakatunaw ng puso ko. Kahit matigas ang ulo mo mama, mahal na mahal pa din kita.

June 02, 2023

I Missed You Blogspot

 


I'm so happy to be back sa Blogspot! Na miss ko ang pagka simple mo and yung pagiging user friendly mo. Lumipat ako sa Wordpress hoping na maging mas masaya and active ako sa blogging pero dahil para sa akin masyado syang sophisticated kaya naging madalang na yung pagpopost ko. I think andito na ulit ako sa time ng buhay ko na madami na ulit akong gustong sabihin. Mas may time na ako ngayon and mas madami ng nangyare sa buhay ko na mas may kabuluhan kaya gusto ko na ulit bumalik sa pagsusulat ng journal. 

Sobrang na miss kita Blogspot and i promise hindi na ulit ako lilipat pa sa iba. Mas na appreciate ko na yung simplicity mo lalo pa ngayon na nagkaka edad na ko kaya mas gusto ko less complicated na life. I'll see you again later. Mas madami pa kong ikukwento sayo! :)

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...