Hindi na kita na update pero last Saturday I took Misoprostol vaginally (thanks to my husband who assisted lol) para mailabas ko na yung hindi nag develop na embryo. Tapos I laid in bed for about an hour then about 4 hours after ayun nakaramdam na ko ng matinding cramping sa puson area and an hour later ayun na dinugo na ko. Heavy clots talaga so I had to wear a diaper kasi hindi kakayanin ng basta pads lang. Then mga around 7pm ata while I was dancing to some music ayun biglang may bumulwak na parang solid tissue sa pems ko. Matigas talaga sya and I know hindi sya basta ordinary blood clots lang. Mukang andon na din yung gestational sac and fetal pole. Nagulat talaga ako when it came out of me. Then when I changed my diaper andon pa din sya yung matigas na part na lumabas sakin. Hindi sya natunaw like how a blood clot will melt. Solid talaga sya. So I prayed na sana yun nga yun. Sana mailabas ko na lahat para hindi na ko kelanganin ma raspa pa. Kasi up until now hindi pa din na a-approve yung financial assistance request ko from McLeod Health.
My next ultrasound check up is on June 30 and sana wala ng makitang retained tissues or anything so hindi ko na kelanganin ma raspa pa. So it's another nerve wracking visit to the hospital pero so far maganda naman ang experience ko with McLeod Health. I actually prefer it more than the hospitals we have in the Philippines na sobrang overcrowded, mainit or tagal ng waiting time. I'll update you again soon :)

.gif)