December 20, 2023

Finally I’m Excited For Christmas

 


For the first time in so many years I’m finally excited again for Christmas. Ilang taon ding naging malungkot ang pasko ko. Don’t get me wrong, naging mabuting magulang ang parents ko sa akin. Naibigay nila lahat ng needs ko. Pero totoo ang sabi nila na ang pasko usually for the children. Sila ang mas excited for it. Pag nagkaka edad ka mas nagiging aware ka of your surroundings and reality in life. Kaya nung namulat na ko sa realidad ng buhay parang nahirapan na akong maging masaya. Pakiramdam ko may kulang. Hindi naman kulang sa financially pero yung pakiramdam na may nagmamahal sayo. I know mahal ako ng parents ko pero iba pa din yung nagmamahal ka and may nagmamahal sayo na partner mo.

Naaalala ko din na in the past pag pasko dito sa bahay it’s usually about other people. Ang laman ng bahay dati puro bisita at mga taong hindi ko kakilala. Yung energy namin ng parents ko was focused on making the guests happy. Hindi ko ma enjoy yung araw kasi pagod kami and stressed out ako sa dami ng tao. Napakahirap specially for me na introvert. Ang lagi kong dasal noon na sana dumating yung time na ma celebrate ko ang christmas ko in my own way.

Ngayong may asawa na ko and baby na parating sa March, ibang level na ng happiness ang pasko ko this year. I can finally savour every moment with my beloved husband and my baby sa tyan. May sarili na kaming buhay and we can finally control kung sino lang ang magiging parte ng pasko namin. I love the freedom and the tranquility. Kaya yes, I’m finally excited for the upcoming Christmas and New Year. Thank you Lord for finally giving me this chance. 

December 12, 2023

The First Kick

 


I can still remember the first time I felt you move Calvin. I was 21 weeks pregnant. I remember still trying to convince myself na ikaw na nga yun. Hindi pa din kasi ako makapaniwala. Ang tagal tagal kong inantay na maramdaman ka. I have anterior placenta kasi kaya late daw talaga bago mo maramdaman yung movement ng baby. Kaya nung finally naramdaman na kita half of me is still doubtful kung ikaw ba talaga yun. Iniisip ko baka kumulo lang tyan ko? Baka naman natatae lang ako? Baka naman imagination ko lang yun? Pero as day goes by na reassure ako na ikaw na nga talaga yun. Sobrang pinapasaya mo ang puso ko Calvin everytime I feel you. Nakakatuwa kasi kung kailan gabi na and I’m ready na to sleep tyaka ka naman nonstop na sumisipa. Nakakainis na nakakatuwa. May times din na sobrang freaky na ng mga sipa mo specially now na 24 weeks pregnant na ko so mas malaki ka na and mas malakas ka ng sumipa. It freaks me out kasi nagrerespond ka na sa sound and pag pinipindot ko yung tyan ko and ang lakas and ang kulit kulit mo na. Pero syempre yung pagka freak out ko napapalitan din agad ng comfort knowing na you are still there. I love you so much baby Calvin. Can’t wait na mahawakan and makita ang napakakulit mong feet. Hayyy I’m so in love with you.

December 11, 2023

The CAS Ultrasound Results Are Back!

 


So natuloy yung CAS ultrasound ni Calvin nung December 5 and I just want to thank the Lord for the good news! All good news ang results so far and I have to thank the Lord for that. Kung alam mo lang ang kaba naming mag asawa sa pupwedeng makita sa result! Kaya so grateful to the Lord and for my husband sa walang sawang support at pagmamahal sa aming mag ina. 

At first nahirapan si dra sa pag check sa face ni Calvin kasi naka taob siya at ayaw niya talaga ipakita yung face niya. Kailangan kasing makita if may nasal bone si Calvin. Isang sign kasi na may down syndrome ang baby if walang nasal bone. Thank God may nasal bone ang baby boy Calvin namin! Next na chineck was the lips. Grabe nung nakita namin yung 3D ng face ni Calvin hindi madedeny na namana niya ang big lips ko lol anyways regarding sa lips dra wants to see if may cleft lip ba si Calvin and again thank you Lord kasi normal ang lips niya. Even sa the rest of his organs like heart and kidneys. 

Nakakatawa kasi kailangan pag magpatugtog ni dra ng music para lang gumalaw si Calvin kasi my goodness mag 2 hours na kami sa ultrasound and sobrang natatagalan na kasi ayaw nga magpakita ng face si baby. Thank you din pala to Taylor Swift lol kasi nung pinatugtog ni dra yung song na Cruel Summer humilata na si baby and nagpakita ng face.

Another thing, lumindol din pala habang nakasalang ako sa ultrasound pero to be completely honest hindi ako masyadong natakot kasi I was more concerned sa magiging result ng CAS ultrasound. Medyo distracted ako lol pero lahat ng worries naming mag asawa nawala when we finally got the results back. Kaya after namin sa hospital dumirecho na kami sa Mary Grace para kumain ng bonggang bongga and to celebrate.

I love you so much Calvin. Inip na inip na ang mama to see you. You freak me out and at the same time comfort me everytime nararamdaman ko yung sipa mo sa loob ng tyan ko. I can’t wait to shower you with love. Thank you for giving me a purpose.

December 07, 2023

Happy 3rd Anniversary My Love

 


My husband and I celebrated today our 3 years of being together. Ang sarap ng pakiramdam na I finally met the right person for me na makakasama ko habang buhay. Wish ko for everyone na makatagpo sila ng taong para sa kanila. Yung talagang mamahalin sila at makakatuwang nila sa buhay. Yung andyan para sa inyo through thick and thin. Ako, dumaan talaga ako sa butas ng karayom para lang makilala ang asawa ko. Hindi naging madali. Ang dami munang heartbreaks, moments of depression and disappointments. Muntik na nga akong sumuko. Actually andoon na nga ako sa point na tanggap ko na na tatanda na akong mag isa at hindi na magkaka anak. Pero nung naging ganoon na ang mentalidad ko tyaka naman binigay ng Diyos sakin ang asawa ko.

Simple lang ang celebration namin. Pumunta lang kami sa favorite naming Taiwanese restaurant called Shi Lin. We ordered our favorite steamed broccoli, pork chop with noodles, yung favorite kong fried rice, xiao long bao na dumplings and green mango shake! Ay grabe hirap na hirap kaming huminga at maglakad afterwards because of the matinding kabusugan. Gusto ko pa sanang mag ikot ikot sa mall kaya lang inaantok na ko sa sobrang kabusugan kaya we went home na agad. Guess what pagkauwi namin parehas kaming nakatulog agad lol

It was a nice day with my husband. I can proudly say na I’m contented with my life right now. Mahal na mahal ko ang asawa ko and our unborn baby Calvin na we will be meeting next year. I love my life :)

December 02, 2023

Zero Friends

 


Totoo pala yung sinasabi nila na pag nabuntis ka lalabas kung sino talaga ang mga tunay mong kaibigan at eto na nga lumabas na nga lol Ever since naman talagang konti lang ang friends ko eh. Medyo mapili din ako and hindi masyadong pala kaibigan. Pero i have existing sets of friends na nakilala ko pa since elementary days. Akala ko noong una sapat na yun, hindi pala. Habang tumatanda ka pala you'll need more friends pero ang masakit kasi habang tumatanda ka pa unti na din ng pa unti ang friends mo. 

Aminado naman ako na medyo desperado ako sa friends ngayon. Lalo pa ngayon na buntis ako kasi may mga moments talaga na aatakihin ka ng loneliness and ang gusto mo lang is a friend who'll share the same experiences with you. Sa sobrang desperado ko napupunta tuloy ako sa taong mapagsamantala at may hidden agenda. Instead of me satisfying yung need ko for a good friendship, i always end up feeling used and heartbroken. Never again.

Mahal na mahal ko ang asawa ko. He's my bestfriend and never syang nawala sa tabi ko. Suportado nya ko financially and emotionally. Pati dito sa bahay sya ang kumikilos para mabawasan ang workload ko pero may times na i crave pa din for a girl bestfriend. Yung makaka kwentuhan ko about my pregnancy journey. Yung magshe-share din sya ng sarili nyang experiences with her pregnancy. May isa akong friend who went to the same journey kaya lang she's too busy to even spend time with me kasi nga pamilyadong tao na din and napakarami nyang anak. 

Minsan tuloy nagsisisi ako kung bakit naging masyado akong choosy sa kaibigan before. Pakiramdam ko tuloy nagkamali ako kasi mukhang i pushed all the wrong people away because i was too busy remaining loyal sa mga taong hindi naman deserving sa loyalty and friendship ko.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...