August 25, 2024

I Guess This Is Goodbye?


Alam mo konti lang naman ang kaibigan ko ngayon na may edad na ko. As in nabibilang sa daliri kung ilan lang sila. Pero kahit konti lang sila I can say na they are true. Maliban sa isa. Malaki ang tampo ko sayo. Sa totoo lang namimiss na kita and gusto ko sana mag hangout naman tayo kahit sandali pero mahigit isang taon na kitang hindi nakikita. Mahigit isang taon ka ng hindi nagpapakita sakin. Ang dami mong excuse and hindi ka naman ganyan dati. Panay ang aya ko sayo. Lagi ko sinasabi sayo na pag hindi ka na busy sabihan mo lang ako para mag catch up naman tayo pero puro ka lang sige sasabihan kita pero wala namang nangyayari. Gusto ko sana na makilala mo na yung anak ko pero again puro ka lang sige soon. 

Yung pagbabago mo na notice ko na nagsimula ever since nalaman mo na may serious jowa na ako at iksasal na ko. Alam ko may usapan na tayo dati na tanggap na natin na tatanda tayong dalaga. Kaya alam ko nabigla ka nung sinabihan kita na uy mag ready ka na kasi ikakasal na ko and you need to be there. Thankful ako na kahit sa short notice na yun nakagawa ka pa din ng paraan to be there. Mas lalong lumala yung pagbabago mo when I made up my mind na hindi na kita pauutangin ever. You still try every now and then pero I always say no na to you. Nadala na ko ng sobra eh. Tyaka nagawa ko na ang lahat para sayo before pero ikaw wala kang ginawa para mabago yung sitwasyon ng buhay mo. Lalo pa ngayon na may asawa at anak na ko syempre iba na yung priority ko. Sana naiintindihan mo yun pero alam ko deep inside one of the reasons kaya ayaw mo ako makita eh dahil don.

Hindi ko alam kung naiinggit ka ba or naiinis sakin. Pero mare naman magkaibigan tayo eh. Naaalala ko pa na may usapan tayo dati na kung meron satin ang nakapangasawa or nagka anak na hindi natin yun hahayaan na maging cause ng rift ng friendship natin. We will still find ways para makapag hang out and makapag usap. Pero wala damang dama ko na yung pagiging distant mo sakin. Unti unti natatanggap ko naman na. Pakiramdam ko nagluluksa ako sa pagkawala ng friendship natin. Why do you have to let it end this way? Sinabi ko naman sayo na naka process na yung pag alis namin papuntang US. Ano hanggang sa umalis ba ko magiging ganyan ka pa din?

I guess hindi ko na lang ipagpipilitan ang sarili ko sayo. If this is goodbye then so be it. Basta alam ko i did my best to salvage this friendship.

August 22, 2024

Calvin's US Citizenship!

 


We already have a schedule for Calvin's US citizenship sa US Embassy. Nakaka excite kasi finally mabibigyan na din sya ng passport and we can finally secure his future sa US. I'm a proud mama and I'm sure daddy is very proud too. Happy din kami kasi hindi matagal ang inantay namin when it comes to getting a schedule sa US Embassy Manila. Happy ako and nervous at the same time kasi hindi sya ganon ka simple. Imagine they will interview both parents of the child and you need to convince them na anak nga namin sya and mas lalo na anak ng asawa ko na US citizen. So lahat ng proof kailangan dalhin namin and we need to be prepared sa mga questions na they might ask. I do not want to jeopardize Calvin's future by giving the wrong answers or not having the right documents during the interview. Kaya now pa lang pine-prepare ko na yung mga documents and magpa-practice na kami ng isasagot. Wish us luck! 

August 15, 2024

Graduate from ROP!

 


Hindi ko ineexpect na aabot na kami sa ganitong point na hindi na muna namin poproblemahin ang mata ni Calvin. Yes graduate na sya from ROP kasi nag mature din eventually ang retina and vessels ng mata nya. Masaya kaming mag asawa kasi nagawa namin ang lahat para hindi mabulag ang baby namin. Thank you sa neonatologist ng baby namin na nag recommend sa napaka galing na ophthalmologist na naka gamot kay baby. So from dating halos everyday na check up nya sa mata, then naging every other day, naging every 3 days, naging every 5 days, naging once a week, then once every 2 weeks, naging 3 weeks, naging once a month, and ngayon naging every 3 months na lang! Praise be to God. Ang dami din naming pinagdaanang pamilya. Nakakapagod yung mga hospital visits kasi hindi biro yung mag travel sa hospital kasama ang baby. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa naging success ng treatment sa mata ni Calvin. 

Pero syempre tuloy tuloy lang ang panalangin namin kasi syempre hindi pa din maaalis na premature ko pa din na pinanganak si Calvin so may mga risk factors pa din yan like strabismus, lazy eye or baka need pa din nya mag salamin at a very young age. Pero i'm praying na kung kailanganin man nya mag salamin sana wag muna ngayon. Magiging sagabal kasi ang eyeglasses para totally nyang ma enjoy yung kabataan nya. Like if gusto nya makipaghabulan, harutan or any activities syempre mas masarap kumilos without you worrying na malalaglag, magfa-fog or mababasag yung salamin mo. Kaya sana Lord wag muna. Pag adult na lang sya para he'll be more careful and mature in handling it.

August 02, 2024

USCIS Approved!

 


Finally after 13 months of waiting we finally heard from USCIS and case approved na kami! Yung saya naming mag asawa hanggang langit! Pero akala mo ba hanggang don na lang ang American dream journey ko? Akala mo ba makaka fly na ako agad sa US of A? Nope! Hindi pa dyan nagtatapos kasi nagsisimula pa lang ang laban. After ng approval namin sa USCIS they will forward our case to NVC which stands for National Visa Center. Then both the beneficiary and petitioner had to submit yung required documents. After paying the additional fees and after submitting the documents eto na naman ang simula ng kalbaryo namin. We had to wait hanggang makatanggap ng interview letter kung saan in that letter sinasabi na we can already have our medical test and finally schedule for an interview. Hulaan mo kung gaano katagal ang waiting time for that part? Base on my research, inaabot ng up to 10 months ang waiting time! OMG diba?? Gosh baka tumatakbo na yung anak namin bago pa kami makalipad pa America. Nakaka upset pero thankful pa din ako kasi kahit papaano pasado na kami sa first stage. Yung first stage yung pinaka matagal and mahirap. Pero Lord sana lubos lubosin mo na yung biyaya mo samin and help us pa din with the remainder of our journey. Gusto ko talaga makapunta ng America kasama ang asawa at anak ko. Help us reach our dream Lord.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...