February 21, 2024

When Are We Going Home Calvin?

 


Medyo nadedepress na ko. No it's not post partum depression. More like naiinip na ko, nafufrustrate and all I want is to bring home my son from the hospital. It's a little over 2 weeks na since na confine sya sa NICU and I can say na he had a lot of progress and i thank God for that. Nung una naka intubate sya kasi nagkakaroon sya ng respiratory distress so nilagyan sya ng tube sa bibig so he can relax and breathe well. Eventually naalis din yun kasi he can breathe na on his own. Pero kelangan pa din sya lagyan ng nasal cannula sa ilong to assist his breathing which eventually naalis din. Then yung catheter nya sa pusod naalis na din kasi natapos na nya yung course of antibiotic nya and hindi na din nya kailangan ng IV fluids. I had to pump milk all the time para ma deliver sa hospital kasi mas prefer ng doctor nya and mas prefer ko din na milk ko ang i-feeding sa kanya. The thing is hindi pa sya maka suck properly. Hindi pa nya alam how mag suck, mag swallow and mag breathe at the same time during feeding. Sabi nila this is very common daw for premature babies. Kaya sa ngayon pinapakain pa sya via a feeding tube na naka suot sa ilong nya and it's connected to his stomach. I tried breastfeeding him pero he would only suck for a couple of seconds then iluluwa na nya yung nipple ko. I think since he's still very small baka nalalakihan pa sya sa nipple ko. He sucks naman through a baby bottle pero same thing only for a few seconds and then ayaw na ulit nya. Tinutulugan nya kami lol 

He's now 35 weeks old and im praying na matuto na sya mag suck properly so he can gain weight. Yun lang naman ang iniintay ng pediatrician nya para he can go home na. Syempre a part of me is worried na din sa hospital bill kasi hindi biro ang gastos sa panganganak ko and sa confinement ni baby. Alam ko nag promise sakin ang asawa ko na hindi nya kami pababayaan and he's keeping his promise naman pero syempre naaawa na din naman ako. Gusto ko makalaya na kami sa mga gastusin sa hospital bills. Tyaka gusto ko na din maiuwi ang baby ko. Hirap na hirap ako mag form ng connection or bond sa kanya kasi yung moments namin sa NICU very limited lang. Tyaka everytime i would cradle my baby syempre laging may nurse or doctor na nakabantay which i find very awkward pero I understand why kailangan ng presence nila. It also makes me sad everytime na uuwi kaming empty handed, na hindi pa din sya kasama. Nalulungkot din ako everytime uuwi kami then i can see all his baby stuff dito sa bahay pero sya na lang ang wala, ang kulang. Nakakapagod na din mag byahe lagi sa hospital and yung lagi kang nag aantay ng update or call from his pediatrician if everything is ok. Lagi kang aligaga or paranoid like what if something is wrong? I just want to be with my baby :(

Minsan iniisip ko if may ending ba to? Bakit pakiramdam ko hindi namin sya mauuwi? Sabi nila mabilis lang lumaki ang baby pero bakit parang ang tagal tagal this time. 2 weeks for me feels like an eternity. Ganito pala maging nanay? Parang never mawawala yung pangungulila mo sa anak mo. Yung gusto mo lagi syang nakikita and nakakasama. Pakiramdam ko naka LDR kami ngayon ng anak ko. Lord I know ang dami dami ko ng hinihingi sayo pero as a mother i just want to be with my baby. Please heal my son from any sorts of illnesses and please grant him the ability to suck properly para makauwi na kami. Para hindi na maunsyame ang discharge plan namin for him. So i can watch him grow. So we can love and take care of him ng walang nakabantay lagi. Lord im trying my best to be as patient as possible pero i cant help but ma depress everytime i think about my son being far away from me. Lord please grant my prayer. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...