November 21, 2023

Babae Pala Ako?! LOL

 


Hindi pa din ako makapaniwala na buntis ako. Kahit ang laki na ng tyan ko and kitang kita na na buntis ako may mga moments pa din na nagugulat ako pag narerealize ko na shittt buntis pala talaga ako?! Pakiramdam ko tuloy babaeng babae ako. I know sa generation ngayon madami ang magsasabi na hindi lang sa pagdadalang tao masusukat ang pagiging babae. Good for you! Pero for me mas naramdaman ko yung pagiging babae ko when I got pregnant. I find it amazing na oh my goodness right at this moment my body is busy building body organs of another tiny human being! 

It's a miracle for me na sa edad ko na to nabuntis pa ko. Miracle for me na nahanap ko yung taong para sa akin at dumating sya at the right time in my life. Ang daming miracles na nangyari sa buhay ko lately and i'm so grateful to the Lord. Yes may mga heartaches and traumatizing moments pa din na nangyari pero natapos na yun. Grateful pa din ako na na experience ko all those pains kasi hindi ako magiging ganito ka strong lalo na mentally if hindi ko yun pinagdaanan. We are now looking forward to our bright future with our baby boy. Mahal na mahal kita anak. Mama and papa will do everything to give you a good future. We are all so excited to meet you. 

CAS Ultrasound


What else is new eh ever since naman talagang napaka nerbyosa at pessimistic ko na tao. Pero this time naman may valid reason naman ako para ma stress ng ganito. Sa December 5 naka schedule ako na ma CAS ultrasound. Para lang aware ka, yung CAS ultrasound means Congenital Anomaly Scan for the baby. Dito makikita if may any anomalies or abnormalities ba ang baby ko. Syempre sino ba naman ang hindi matatakot at hindi aatakihin ng nerbyos eh dito magkaka alaman if normal ba ang baby or not. Kaming mag asawa we are trying our best to be positive pero syempre at the back of our mind hindi mawawala yung takot. Aba baby namin ang pinag uusapan dito and we all just want him to be okay. 

It will take approximately 45 minutes to an hour yung ultrasound session and im sure magshu-shoot up ang blood pressure ko don because of nervousness. Pero wala na kaming ibang magagawang mag asawa but to pray na sana everything will be okay. Sana biyayaan naman kami ng Diyos ng healthy na baby at sana ako din maging healthy lang sa pregnancy journey ko lalo na sa delivery time. Ang dami kong fears and im sure valid naman na matakot ako since first time mom ako, first time ko mabuntis and may edad na din ako. Kaya lahat talaga ng negative thoughts pumapasok sa isip ko no matter how much kong labanan. 

Lord ikaw na po ang bahala sa aming mag ina. Mama, Papa please continue to guide us. Kapit lang anak. Malalagpasan din natin to. We love you.

November 11, 2023

Goodbye Mama

 


Mama passed away November 6, 2023 and today was her inurnment. Pasensya ka na kung hindi kita na update ng sobrang tagal. Napaka daming ganap sa buhay ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Pero sa lahat ng nangyari sakin etong pagkamatay ng mama ko ang pinaka matindi na pinagdaanan ko. Ang sakit neto pag usapan pero kailangan ko din to ma release. Sobrang she suffered dahil sa dami ng complications ng chronic kidney disease nya. During those moments na she's on her death bed, wala akong ibang dinasal sa Diyos kung hindi kunin na sya. Ang sakit sakit makita na yung taong pinaka mamahal mo is suffering and wala kang ibang magawa but to hold their hand and say i'm sorry. Masyado ng end stage ang sakit ng mama and having her confined sa hospital will just give her more suffering than comfort. Kaya same with papa, dito na lang namin sa bahay sya inalagaan thru pallative care. I really did my best. Kahit nauubos na whatever is left from our savings kasi gusto kong gawin everything I can para lang mapagaan yung nararamdaman nya pero sobrang binalot ng sakit nya ang katawan nya. 

Nung eventually nakita namin na she's gone I can totally be honest with you, ang una kong naramdaman is relief. Finally no more pain and suffering. Masakit mawalan ng magulang. Lalo pa ngayon na yung nag iisa kong magulang ay wala na din. Pakiramdam ko kahit na may asawa na ko at someday magkaka anak na din, kahit madaming nangangamusta sakin, pakiramdam ko i'm still all alone. Pero i'm comforted by the thought na magkasama na sila ng papa. Parehas na silang walang nararamdaman na any pain and enough na yun para gumaan ang loob ko. 

Madami naman ang dumating kanina sa libing ng mama. Malaki ang pasasalamat ko na papa and mama prepared for their end. Hindi ko na kinailangan pang problemahin kung saan ako hahanap ng paglilibingan nila or ng pera para sa paglilibingan nila. Very grateful ako sa mga taong naka alala kay mama. Syempre only child ako kaya inencourage nila ako na magbigay ng speech. Thank God i was prepared for it pero syempre hindi ko ineexpect na first line pa lang ng speech ko and bumuhos na agad ang luha ko. 

I will miss you for the rest of my life mama. Thank you for choosing me to be your daughter. Mahal na mahal kita. Till we meet again. 

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...