I tried kasi journaling sa ipad ko and like actual na journaling with matching apple pencil and shit and guess what?! Cute lang sya at first pero eventually nakakapagod din. Parang hindi na sanay yung daliri ko na magsulat ng magsulat. Kilala mo naman ako diba very madaldal ako and gusto ko magsalita ng tuloy tuloy and that is hard when you actually had to write it down. So i guess eto magbabalik loob ako dito sa aking online journal. Mas madali lang mag upadate dito and hindi masyadong nakakapagod sa fingers.
Oh my gosh I don't even know where to start. Ang daming nangyari sakin ever since my last post here. Teka i'll try to recall. Ayun nakuha namin yung inheritance ko from Tito Ike. Amounting to $140,000 something. Sobrang malaking halaga for us lalo na walang wala naman kaming mag asawa. Dahil sa pera na yun napaayos namin yung truck namin na pula. We now have our own vehicle and we can already leave anytime we want. Nabili namin ang mga needs and wants namin for ourselves and ofcourse for the baby too. Dahil din sa inheritance ko nakapag tabi kami for our emergency funds and nakapag set aside din kami kahit maliit lang for Calvin's future. I am so grateful for Tito Ike kasi ang laking tulong ng pera na yun since we are just starting our lives here in America.
Nakapag vacation din kami ni Tyler ng kaming 2 lang sa Charleston. Masaya naman although nakakapagod kasi ang daming lakaran na nangyari. It was very memorable pero I think it was at that moment when we realized na ang hirap pala mapalayo sa anak namin. Nagkaiyakan kami ni Tyler lalo na nung paalis na kami. It was funny pero a good realization na mahal na mahal namin yung anak namin.
Eto pa! Ang pinaka proudest achievement ko is naipasa ko yung beginner's permit written exam sa DMV nila dito sa South Carolina. Napa aral ako ng wala sa oras! I had to learn terminologies na i've never heard before. Kung dati i never cared about traffic rules, ngayon i pay strict attention na. I'm about to receive na the actual beginner's id soon pero to be honest i am not excited about the actual id kasi ang panget ng kuha ko don! Hindi man lang inalign ng maayos nung babae sa id capture department! Ang taba taba ko sa picture! Shit talaga!
Anyways, ang dami ko pang gustong i-kwento sayo but may need ako na i-update sa laptop ko so i'm pretty sure i'll be back again para ituloy ang chika. I'm happy to be back here and i think this time i'm planning to stay na for good :)

.gif)


