So I had my trans v ultrasound last Monday and grabe ang kaba ko. Prepared na yung puso at isipan ko na baka hindi din nabuo yung baby or baka wala sa lugar or baka may other problema. Sobrang na brainwash ako masyado ng youtube at mga articles na nababasa ko and para tuloy binigyan ko na ng taning or sad ending tong part ng buhay ko na to. Kaya nagulat ako nung sinabi nung sonologist sa ultrasound room na yes buntis ako, yes nasa tamang location si baby and yes may heartbeat din siya!!! Naiyak ako sa ultrasound room habang nakabukaka when I saw the baby's fast heartbeat. Buhay na buhay inside of me. Hindi pa din ako makapaniwala na there's a tiny human being growing inside of me. According sa computation estimated age ni baby is 7 weeks and 5 days. Hindi ako makapaniwala na magiging mother na ako?! Never kong inisip na dadating pa ko sa point na mag aasawa at magkaka anak! May untreated pcos din kasi ako and lagi namang negative ang pregnancy test ko before so hindi na ko umasa pa na magiging nanay pa ko.
So far so good naman pero kilala mo naman ako. Mahilig akong gumawa ng problema. So now na nalaman ko na I have nothing to worry about blighted ovum or ectopic pregnancy. Ngayon naman pino-problema ko what if biglang huminto ang heartbeat ni baby? What if sa next ultrasound wala ng makita na heartbeat? Sinasabi ko sayo if mangyare yun I'll go to a deep depression lalo pa ngayon na marami na ang nakakaalam ng pregnancy ko. We can't help it because we are excited parents! Kaya again Lord I'm praying to you na ibigay mo na samin to. Kahit isang anak lang please bless us.
I'll keep you updated ulit. Tomorrow may check up ako with my OB and sasamahan ako again ng napaka buti kong asawa. Tomorrow din ang birthday niya and sana mapasaya ko siya bukas with my love and devotion lol

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.