January 26, 2026

Chemical Pregnancy It Is

Kagabi nag start na ko mag spotting. Iniisip ko baka spotting lang to. Baka it's nothing lang diba? Pero last night after ko mag shower nung dinry ko na yung pempem ko ayun may dugo na talaga. Decided to wear a napkin na just in case tuluyan na kong duguin. Then later in the night nag start na din akong mag cramps. This morning grabe din yung cramps ko and talagang jelly ace yung blood clots na lumalabas sakin. Para syang heavy period. I had to wear a diaper kasi ayokong matagusan or matagusan yung bed namin. 

Simula nung makita ko yung blood parang nakaramdam ako ng closure. Like wala ng duda na hindi na nga ako buntis. I don't know if gusto ko pa ulit mabuntis kasi nakakatakot sya and it's also very heartbreaking and traumatizing. Pero I am grateful pa din for this experience kasi atleast maaga na syang nawala. Like embryo pa lang sya, hindi pa mukhang baby and most importantly wala pang heartbeat. Kasi can you just imagine if malaki na sya, may heartbeat and gumagalaw na and all tapos tyaka pa mawawala? OMG baka nabaliw na kaming mag asawa. I am grateful pa din for everything. Thank you Lord sa lahat. I don't know maybe this is His way of saving me?

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...