One time naman may nakilala naman ako na mga teachers dito sa SC pero gusto naman agad na mag lamyerda kami. Lakwatsa agad ang gusto eh hindi naman ganon ang hanap ko. Tyaka hindi ko pa kayo kilala baka naman we can take it easy and usap usap muna tayo? Like chill conversations lang sana. May iba naman na Pinoy dito sa US na gusto ka lang offer-an ng business proposals pero wala naman talagang planong makipag friends. May isa naman din akong nakausap na feeling high and almighty naman sa sarili. She's making me feel bad about myself kasi kumakain kami ng husband ko sa fastfood and sya hindi daw kasi unhealthy daw and kesyo she prefers to cook homemade healthy meals daw for herself and her husband. Oh edi sige ikaw na ang healthy diba?
Eventually na apektuhan na ko. Totoo sabi nila na no man is and island. Eventually hahanap ka talaga ng kaibigan. Sabi ng asawa ko bakit hindi ko daw i-try makipag kaibigan sa mga Amerikano dito pero natatakot kasi ako baka hindi kami magkaintindihan or baka they might judge me cos of my age or race?
Hindi ko talaga alam gagawin ko pag nawala ang asawa ko. Sya lang talaga ang kaibigan ko dito. Pag sya nawala mas lalo na kong walang makakausap. Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako comfortable makipag chikahan ng todo sa family ni husband. Oh they are not the problem. Ako ang may issue believe me.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.