Mukhang nagka totoo na yung matagal ko ng hinihiling sa Panginoon na sana gawin na lang nya na bedridden ang mama para hindi na ko laging nag aalala sa kanya. Please wag mo naman muna akong i-judge sa statement ko. Hindi madaling alagaan ang mama kasi napaka tigas ng ulo nya. Lumalaban sya. To the point na she’ll put herself in danger and wala syang pake. Ayun na nga ang nangyare kanina. For the nth time nahulog ulit sya and mukang this time medyo napuruhan na. Hindi pa din kasi nya matanggap na hindi na nya kaya. Pinipilit pa din nyang maglakad sa kung saan saan and hindi sya nagpapa awat. Mukang eto na ang magiging reason kung bakit kelangan na nyang mapirmi sa isang lugar. In short sa ayaw man nya or gusto eh mukang bedridden na sya.
Nung sinabi ko na gusto ko syang ma bedridden na lang hindi included yung makikita ko sya na in pain. Masakit pa din sakin na nakikita syang nahihirapan. Masakit kasi wala akong magawa and due to her age eh hindi na madali ang treatment and recovery nya. Ang prayer ko na lang kay Lord eh sana maging madali na lang for all of us ang transition. Alam ko hindi magiging madali kay mama na lagi na lang syang asa kama at hindi na nya magagawa ang gusto nya on her own. Hindi din naman magiging madali sa akin pero ano pa ba ang magagawa ko? Sa katigasan ng ulo ng nanay ko I know this time will come. Hindi ko lang ineexpect na ngayon na agad. Lalo pa after ko mabasa yung letter nya para sa amin ni Tyler na sobrang nakatunaw ng puso ko. Kahit matigas ang ulo mo mama, mahal na mahal pa din kita.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.