
Finally nakuha ko na din yung passport ko. Ang tagal ko ding inantay to. Actually meron na kong passport and sa year 2031 pa ang expiration kaya lang yung maiden name ko pa yung gamit ko don. Kaya nagpa renew na ko para this time ang gamit ko na is yung married name ko. As soon as nakuha ko yung passport ko nako dali dali na ko nagpa update ng mga account information ko from Globe (ok na!), PLDT (my goodness kaya pala naka ilang send na ko sa email nyo sa care@pldt.com and kaya pala wala akong natatanggap na any acknowledgement eh kasi systems down ang email nyo?), Philhealth (hello bakit lagi ding systems down kayo?), Gcash (medyo struggle lang magpa update with them pero after 2-3 days ok na din) and sana sa susunod pati yung sa SSS ko ma updated na din kasi balita ko months daw bago nila ma process ang request. And since meron na kong passport nagawa na din naming simulan ng asawa ko yung spousal visa application ko for the US. Biruan nga namin sino kaya ang mauuna na dumating? Yung US Visa ko or yung national id ko? Kasi nag apply na din ako kanina eh alam mo naman kilala ang national id sa pagiging delayed. Baka daw asa US na ko tapos tyaka pa dadating yung national id ko eh para saan pa yun? Lol
Anyways basta masaya ako na kahit struggle magpa update ng civil status at kumuha ng new ids sa Pilipinas eh kahit pa unti unti napapalitan ko na sya. Ang sarap kasi ng pakiramdam ng may mabait na asawa at pag ginagamit mo na yung apelido ng asawa mo. Parang you are living a whole new life and sobrang exciting and sobrang looking forward talaga ako. Alam ko na hindi laging ganito ang pakiramdam ng may asawa. I know na may mga moments na gusto mo na lang sakalin yung asawa mo sa inis pero ang mabuti saming mag asawa eh kahit nagkaka inisan kami hindi naman namin pinapatagal and madunong kaming mag apologize. Pero siguro talagang maswerte lang talaga ako sa asawa ko kasi sa sobrang topakin ko na to nagulat nga ako at minahal pa din nya ako. Sobrang grateful ko kay Lord at binigay nya sakin ang asawa ko.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.