What else is new eh ever since naman talagang napaka nerbyosa at pessimistic ko na tao. Pero this time naman may valid reason naman ako para ma stress ng ganito. Sa December 5 naka schedule ako na ma CAS ultrasound. Para lang aware ka, yung CAS ultrasound means Congenital Anomaly Scan for the baby. Dito makikita if may any anomalies or abnormalities ba ang baby ko. Syempre sino ba naman ang hindi matatakot at hindi aatakihin ng nerbyos eh dito magkaka alaman if normal ba ang baby or not. Kaming mag asawa we are trying our best to be positive pero syempre at the back of our mind hindi mawawala yung takot. Aba baby namin ang pinag uusapan dito and we all just want him to be okay.
It will take approximately 45 minutes to an hour yung ultrasound session and im sure magshu-shoot up ang blood pressure ko don because of nervousness. Pero wala na kaming ibang magagawang mag asawa but to pray na sana everything will be okay. Sana biyayaan naman kami ng Diyos ng healthy na baby at sana ako din maging healthy lang sa pregnancy journey ko lalo na sa delivery time. Ang dami kong fears and im sure valid naman na matakot ako since first time mom ako, first time ko mabuntis and may edad na din ako. Kaya lahat talaga ng negative thoughts pumapasok sa isip ko no matter how much kong labanan.
Lord ikaw na po ang bahala sa aming mag ina. Mama, Papa please continue to guide us. Kapit lang anak. Malalagpasan din natin to. We love you.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.