November 11, 2023

Goodbye Mama

 


Mama passed away November 6, 2023 and today was her inurnment. Pasensya ka na kung hindi kita na update ng sobrang tagal. Napaka daming ganap sa buhay ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Pero sa lahat ng nangyari sakin etong pagkamatay ng mama ko ang pinaka matindi na pinagdaanan ko. Ang sakit neto pag usapan pero kailangan ko din to ma release. Sobrang she suffered dahil sa dami ng complications ng chronic kidney disease nya. During those moments na she's on her death bed, wala akong ibang dinasal sa Diyos kung hindi kunin na sya. Ang sakit sakit makita na yung taong pinaka mamahal mo is suffering and wala kang ibang magawa but to hold their hand and say i'm sorry. Masyado ng end stage ang sakit ng mama and having her confined sa hospital will just give her more suffering than comfort. Kaya same with papa, dito na lang namin sa bahay sya inalagaan thru pallative care. I really did my best. Kahit nauubos na whatever is left from our savings kasi gusto kong gawin everything I can para lang mapagaan yung nararamdaman nya pero sobrang binalot ng sakit nya ang katawan nya. 

Nung eventually nakita namin na she's gone I can totally be honest with you, ang una kong naramdaman is relief. Finally no more pain and suffering. Masakit mawalan ng magulang. Lalo pa ngayon na yung nag iisa kong magulang ay wala na din. Pakiramdam ko kahit na may asawa na ko at someday magkaka anak na din, kahit madaming nangangamusta sakin, pakiramdam ko i'm still all alone. Pero i'm comforted by the thought na magkasama na sila ng papa. Parehas na silang walang nararamdaman na any pain and enough na yun para gumaan ang loob ko. 

Madami naman ang dumating kanina sa libing ng mama. Malaki ang pasasalamat ko na papa and mama prepared for their end. Hindi ko na kinailangan pang problemahin kung saan ako hahanap ng paglilibingan nila or ng pera para sa paglilibingan nila. Very grateful ako sa mga taong naka alala kay mama. Syempre only child ako kaya inencourage nila ako na magbigay ng speech. Thank God i was prepared for it pero syempre hindi ko ineexpect na first line pa lang ng speech ko and bumuhos na agad ang luha ko. 

I will miss you for the rest of my life mama. Thank you for choosing me to be your daughter. Mahal na mahal kita. Till we meet again. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...