April 16, 2024

I Love You So Much Anak

 

Panay pa din ang titig ko sayo everytime na natutulog ka kasi hindi pa din ako makapaniwala na anak nga kita. Anak, hindi ka madaling alagaan kasi sobrang iyakin ka tyaka ang lakas mo dumede and umihi. Minsan kung mang gising ka every hour kasi ang bilis mo magutom. Sabi naman ng pediatrician mo and ng papa mo na it's normal. It's called cluster feeding and it's normal specially now that you are a growing boy. Pag nakikita ko nga yung newborn pictures mo and cino-compare ko sa pictures mo now grabe ang laki na ng nilaki mo. Ang bigat bigat mo na din kaya ang bilis ko na mangawit everytime karga kita. May times anak na gusto kong umiyak dahil sa puyat and pagod sa pag aalaga sayo. I can't remember the last time na naka atleast 5 hours akong tulog na uninterrupted. Putol putol na ang tulog ko. Every hour or sometimes every 2 hours ginigising mo ako. During day time nakakabawi naman ako ng konting tulog kasi andyan ang papa mo to take over for me. Pero maswerte na kung maka 3 hours straight ako na tulog. Pero alam mo anak kahit nakakapagod sobra syang worth it. Mahal na mahal kita kaya kahit pagod na pagod at antok na antok na ko nawawala lahat ng yun pag nakikita kita na umiiyak for me. Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina. Mahirap pero very fulfilling lalo na pag nakikita kita na lumalaki ng maayos. 

Anak, sana lumaki ka na mabait na bata. Respectful to your parents and to your family in the US. Maging respectful din sa mga magiging friends mo and kahit sino mang makilala mo or dumating sa buhay mo. Mahal na mahal kita anak. I'm excited for our future in the US. Sana parehas tayong maging masaya sa bansang yun. I'm hopeful naman kasi hindi naman tayo mag iisa. We have your papa and his loving family for us. Sana talaga umusad na yung application natin sa US anak para naman hindi na masyadong mangulila ang papa mo and his family.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...