Anak ok naman ang growth mo. You are gaining weight naman and very active and matakaw ka pa din. Grabe ka pa din mamuyat dahil sa katakawan mo. Okay dn ang wiwi and poopoops mo. Pero ang inaalala ko na lang para sayo is yung mga mata mo. Premature ka kasi ang nalagay ka sa incubator sa NICU and nalagyan ka din ng oxygen kaya mas lalong tumaas yung chance mo na magka Retinopathy of Prematurity (ROP). Kaya hindi na kami nagulat nung na diagnose ka with it. Sabi ng opthalmologist mo na si Dr. Fajardo from Philippine Childrens Hospital na need mo daw ma injectionan sa eyes para ma correct ng mas maaga. Syempre hindi kami nag hesitate ng papa mo ipagawa agad yung procedure kasi gusto namin ma save ang vision mo. Ma aapektuhan ang future mo if hindi namin gagawin lahat para maayos ang mata mo. Kaya kahit butas pa ang bulsa namin from pagbabayad sa confinement ko kasi na cesarian section ako to give birth to you and para na din sa 1 month stay mo sa NICU, hindi na kami nagdalawang isip pa. Problemadong problemado ang papa to find funds for your eye procedure pero magaling ang papa mo. He's a hero! He found a way. Thank you sa effort ng papa mo and sa tulong na din ng mga loved ones mo from America napa injectionan namin ang eyes mo immediately.
Ever since na injectionan ka regular na ang check up ng eyes mo. Slowly improving naman daw sabi ni Doc ang eyes mo pero hanggang ngayon hindi pa din nagmamature yung veins. Sana naman before ka mag 52 weeks old maging mature na ang mata mo para hindi mo na kailanganing ma laser. Kasi pag na laser ang eyes mo mawawalan ka na ng peripheral vision. Anak gusto namin maging maayos ka kaya hindi kami nagsasawa ng papa mo na magdasal sa Diyos na sana ibigay na nya samin ang dinadasal namin para sa mga mata mo.
Mahal na mahal ka namin anak. Kahit minsan nakaka gigil ka kasi pinupuyat mo ko minsan at ang tindi mo mag tantrums pag gutom ka pero pag tinitingnan ko ang cute mong mukha and pag naaalala ko na hiniling ko kayong dalawa ng papa mo sa diyos, napupuno ulit ang patience bar ng mama mo lol anak sana lumaki kang mabait na bata, respectful, masipag mag aral, appreciative and grateful sa mga nagawa namin ng papa mo for you. Kahit anong mangyari mahal kita anak. Gagawin ko ang lahat for you. Mamahalin at patatawarin kita kung ano man ang maging pagkakasala mo basta wag ka lang gagawa ng any criminal offense ok?! Kami ng papa mo ang magiging kakampi mo kahit lahat sila iwanan ka. We will love you until our last breath anak.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.