Grabe anak hindi ko alam na aabot na tayo sa point na hindi mo na ako pinupuyat sa gabi. Akala ko talaga never na ko makakatulog ng diretso ever since dumating ka sa buhay namin lol pero thank God kasi on your 3rd-4th month doon ka na nagsimulang matulog ng mas mahaba sa gabi. Sinasabayan mo na din kami ng tulog ng papa mo. Gosh akala ko forever na kong puyat and bangag! In fairness bilib ako sa sarili ko anak kasi for someone na sobrang matakaw sa tulog, can you imagine naka survive ang mama with just 2-3 hrs of sleep nung maliit ka pa? Lalo na pag nagcu-cluster feeding ka! You wake up every 1-2 hrs just to have your milk and grabe pagod na pagod ako non anak. Pero nothing is impossible lalo na if you are doing it for someone you love!
I love you so much Calvin. Hindi ko alam na such love exist. Iba pala talaga yung pagmamahal ng isang ina sa anak. Sa lahat ng paghihirap ko anak nung pinagbubuntis pa kita hanggang sa pinanganak kita at hanggang sa pag aalaga sayo, lahat ng puyat and hirap, they are all worth it! Madinig at makita lang kita na bumubungisngis ng tawa nawawala lahat ng pagod ko anak. I love you so much. Your mama and papa will try their best na palakihin ka ng maayos. I hope you appreciate us someday.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.