Anak I am so proud of you kasi you can finally roll over! Grabe yung saya namin ng papa mo anak nung nag roll over ka on your own. Sa sobrang saya ko anak napasigaw ako and natakot ka ata kasi you just started crying afterwards lol pero ginulat mo talaga kami! Hindi namin ineexpect na magro-roll over ka na kasi nung isang araw lang nag aalala na kami sayo kasi mukang wala kang plano na matuto mag roll over. During tummy time umiiyak ka lang hanggang sa makatulog ka. Pero ngayon hindi ka na namin mapipilit mag tummy time kasi you can now roll over on your own! Worried kami ng papa mo kasi baka mamaya may delay yung development mo pero so far on time naman ang developmental milestones mo. Your papa and I can relax for the meantime.
Ang next on your milestone is crawling! Anak sobrang excited ako sa developments mo. Parang kailan lang asa NICU ka at pakiramdam namin hindi ka na namin maiuuwi pero look at you now! You are growing up so fast and yung pagmamahal din namin sayo ng papa mo just continuous to grow din. We love you so much!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.