August 15, 2024

Graduate from ROP!

 


Hindi ko ineexpect na aabot na kami sa ganitong point na hindi na muna namin poproblemahin ang mata ni Calvin. Yes graduate na sya from ROP kasi nag mature din eventually ang retina and vessels ng mata nya. Masaya kaming mag asawa kasi nagawa namin ang lahat para hindi mabulag ang baby namin. Thank you sa neonatologist ng baby namin na nag recommend sa napaka galing na ophthalmologist na naka gamot kay baby. So from dating halos everyday na check up nya sa mata, then naging every other day, naging every 3 days, naging every 5 days, naging once a week, then once every 2 weeks, naging 3 weeks, naging once a month, and ngayon naging every 3 months na lang! Praise be to God. Ang dami din naming pinagdaanang pamilya. Nakakapagod yung mga hospital visits kasi hindi biro yung mag travel sa hospital kasama ang baby. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa naging success ng treatment sa mata ni Calvin. 

Pero syempre tuloy tuloy lang ang panalangin namin kasi syempre hindi pa din maaalis na premature ko pa din na pinanganak si Calvin so may mga risk factors pa din yan like strabismus, lazy eye or baka need pa din nya mag salamin at a very young age. Pero i'm praying na kung kailanganin man nya mag salamin sana wag muna ngayon. Magiging sagabal kasi ang eyeglasses para totally nyang ma enjoy yung kabataan nya. Like if gusto nya makipaghabulan, harutan or any activities syempre mas masarap kumilos without you worrying na malalaglag, magfa-fog or mababasag yung salamin mo. Kaya sana Lord wag muna. Pag adult na lang sya para he'll be more careful and mature in handling it.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...