August 25, 2024

I Guess This Is Goodbye?


Alam mo konti lang naman ang kaibigan ko ngayon na may edad na ko. As in nabibilang sa daliri kung ilan lang sila. Pero kahit konti lang sila I can say na they are true. Maliban sa isa. Malaki ang tampo ko sayo. Sa totoo lang namimiss na kita and gusto ko sana mag hangout naman tayo kahit sandali pero mahigit isang taon na kitang hindi nakikita. Mahigit isang taon ka ng hindi nagpapakita sakin. Ang dami mong excuse and hindi ka naman ganyan dati. Panay ang aya ko sayo. Lagi ko sinasabi sayo na pag hindi ka na busy sabihan mo lang ako para mag catch up naman tayo pero puro ka lang sige sasabihan kita pero wala namang nangyayari. Gusto ko sana na makilala mo na yung anak ko pero again puro ka lang sige soon. 

Yung pagbabago mo na notice ko na nagsimula ever since nalaman mo na may serious jowa na ako at iksasal na ko. Alam ko may usapan na tayo dati na tanggap na natin na tatanda tayong dalaga. Kaya alam ko nabigla ka nung sinabihan kita na uy mag ready ka na kasi ikakasal na ko and you need to be there. Thankful ako na kahit sa short notice na yun nakagawa ka pa din ng paraan to be there. Mas lalong lumala yung pagbabago mo when I made up my mind na hindi na kita pauutangin ever. You still try every now and then pero I always say no na to you. Nadala na ko ng sobra eh. Tyaka nagawa ko na ang lahat para sayo before pero ikaw wala kang ginawa para mabago yung sitwasyon ng buhay mo. Lalo pa ngayon na may asawa at anak na ko syempre iba na yung priority ko. Sana naiintindihan mo yun pero alam ko deep inside one of the reasons kaya ayaw mo ako makita eh dahil don.

Hindi ko alam kung naiinggit ka ba or naiinis sakin. Pero mare naman magkaibigan tayo eh. Naaalala ko pa na may usapan tayo dati na kung meron satin ang nakapangasawa or nagka anak na hindi natin yun hahayaan na maging cause ng rift ng friendship natin. We will still find ways para makapag hang out and makapag usap. Pero wala damang dama ko na yung pagiging distant mo sakin. Unti unti natatanggap ko naman na. Pakiramdam ko nagluluksa ako sa pagkawala ng friendship natin. Why do you have to let it end this way? Sinabi ko naman sayo na naka process na yung pag alis namin papuntang US. Ano hanggang sa umalis ba ko magiging ganyan ka pa din?

I guess hindi ko na lang ipagpipilitan ang sarili ko sayo. If this is goodbye then so be it. Basta alam ko i did my best to salvage this friendship.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...