May 31, 2025

I'm Finally In America


I'm finally in the US with my baby and husband and all I can say is THANK YOU LORD. After 2 years of waiting and halo halong emotions like depression, frustrations, desperations and lots of tears, finally andito na din kaming family. Pero hindi ako nag enjoy sa trip papuntang America with our baby. Nagkaka inisan na kami ng asawa ko kasi sobrang frustrated na kami sa baby namin. Hiyang hiya ako pag umiiyak sya and sumisigaw tapos yung kasama namin sa eroplano may mga nagpapahinga or pag nasa airport kami and magwawala sya sobra ang pinagtitinginan na kami. Grabe I was so close to just returning back home and magkulong na lang kami sa bahay. Pero thank God i was able to control myself. 

Sobrang ganda dito sa America lalo na sa area ng asawa ko. Malinis and ang sarap huminga kasi ang linis ng hangin. Ang linis din ng kapaligiran. Ang sarap maglakad sa labas kasi hindi crowded and halos walang tao. Ang sarap din magpahinga kasi ang presko and medyo malamig yung hangin. I can't wait mamaya kasi ipapasyal ako ng partner ko sa neighborhood and I'm so excited to see how it is outside. I have so much stories to tell pero I don't know where to start. Sobrang ang dami kong good firsts dito sa America. Pero yung most thankful for ako is my in laws and husband's family. Sobrang good people. Very kind, welcoming and mahal na mahal nila yung apo nila. Sana masundan pa si Calvin kasi I really want to have atleast 2 kids.

Anyways so i have more stories to tell and unti unti ko syang ikukwento sayo dito. I love America. Thank you again Lord.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...