Grabe after 5 months nakabalik din ako dito para ma update kita! Alam mo ba why it took me almost 5 months before makabalik dito? Eh kasi wala naman akong magandang balita na maishe-share! Those 5 months were pure torture kasi puro disappointment after disappointment after disappointment ang laging nangyayari. Pakiramdam ko I was too traumatized from that experience kaya parang ayoko na muna siyang balikan para ma kwento. Siguro sa susunod na lang pag napahinga ko na yung emotions ko.
Before pa ako ma carried away I'll go straight ahead na sa main reason why I'm here. Finally after almost 2 years of waiting na visa issued na din ako!!! From cr1 visa class, na convert na siya to ir1! So when I receive na my green card yung validity niya is 10 years which sobrang bongga right? Grabe isa lang tong pangarap sakin noong araw and I can't believe na eto na siya! For real na! Thank you so much sa mahal kong asawa and his family for doing everything they can to bring me and Calvin to America para magka sama sama na kami doon.
Gosh excited na kong makita ang America and ang family ng asawa ko. Kinakabahan ako kasi nag iisa lang ako na Filipino don pero kasama ko naman ang asawa ko and ang baby namin so I know I'll be fine.
Anyways sa Monday ko pipick up-in yung US visa ko and I'm so excited about it. As soon as maging visa on hand ko na siya I will have to immediately get an appointment with CFO para talagang makalayas na kaming mag asawa dito. Omg ang dami dami kong kailangang gawin and ayusin before we leave. I'll keep you updated basta wag kang aalis dyan okay?

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.