August 23, 2026

Husband's Back Pain

Hay naaawa na ko sa asawa ko kasi walang tigil kaka reklamo about his back pain. I feel bad pero grabe he's in constant pain lagi and syempre nakaka apekto ng  mood diba? We suspect na baka herniated disc or pinch nerve. Na injectionan na sya ng steroids pero it really didn't help him kaya eto tuloy tuloy pa din ang reklamo. Everytime na magrereklamo sya nararamdaman ko talaga yung blood pressure ko na tumataas kasi nakaka inis na eto na naman po kami. Minsan so early in the morning puro reklamo nadidinig ko. Naiinis ako na in pain na naman sya at naiinis din ako na madidinig ko na naman sya mag reklamo. Eto pa naman parang baby talaga pag nagkakasakit. Hindi nya kaya mag reklamo in silence kasi talagang iaannounce nya talaga so syempre tao lang naman ako I get affected. 

Sana matapos na ang sufferings nya kasi ang dami ko pang gustong gawin and puntahan lalo na dito sa America and ang hirap kasi ultimo pagda-drive hirap na hirap sya. For the entire trip puro reklamo talaga madidinig mo and syempre it can get tiring din diba? Hindi sya makatagal na naka upo lang because of his back pain. Tapos nagsisimula na ding maghanap ng mabibiling bahay yung parents in law ko and can you imagine papaano nya kami matutulungan mag empake diba? Ni hindi na nga nya mabuhat si Calvin. I'm sorry parang I sound so mean naman towards my husband. I try to be supportive pero sanay na sanay na kasi ako na laging naka rely sa asawa ko tapos nagkaganito na sya. So para talaga akong naputulan ng braso ng wala sya. I really want him to go back to normal and be pain free.

Sabi nila if hindi sya ma resolve in 3 months baka need na nya ng surgery. So sana talaga unti unti ng mag improve yung condition nya. Pero next move is kelangan na nya makita ng ortho para malaman exactly kung ano ang issue nya. Lord please heal my husband kasi ang hirap ng hindi sya maasahan.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...