August 20, 2026

I Can't Wait To Have Our Own House Someday

Nagkakaproblema kami sa landlady namin dito sa Manning. Matanda na kasi and medyo nag u-ulyanin na kaya ang hirap at ang gulo na kausap. She reminds me of my Lola Pitang. Yung nanay ng nanay ko na na witness ko na mag senile. Accusations left and right talaga. Anyways, I really wish na magkaron na kami ng sariling bahay dito sa America in the future. Pangarap ko yun for me and my family.

Ang hirap pala maging renter noh? First time ko kasi maging renter and hindi ko alam na ganito pala kahirap kasi parang hawak ka sa leeg. Hindi ka totally makakilos kasi need lagi ng permiso ng may ari ng bahay which sucks diba? Kaya gustuhin ko man mag gardening ng todo dito hindi ko magawa kasi puro need lang lagi sa paso. That's no fun diba if puro paso lang? Kasi ayoko naman na tumubo ng maganda yung halaman ko sa lupa dito tapos hindi naman namin pag aari yung lupa diba? Tapos pag need na namin lumipat paano yun diba? Bubungkalin ko pa sa lupa yung halaman ko para lang ma transfer sa another house. It's sucha hassle. Kaya sana talaga we can find a way to purchase our own land and house someday. Para na din sa kapayapaan naming family and para magkaron naman kami ng freedom to do whatever we want with the house. 

Sayang din kasi mahal na mahal ko tong bahay na to eh. It's my first American home kaya very special to sakin. Eto din ang first home ni Calvin dito sa America and kabisado na nya lahat ng turns dito sa bahay kasi gustong gusto nya na tumatakbo all over the house. Kaya mamimiss ko everything about this house and mas lalo na the neighborhood na sobra ng napamahal sakin. Naiisip ko pa lang na aalis na kami dito eh nalulungkot na talaga ko. Hindi ako sanay na nagpapalipat lipat bahay kasi sa Pilipinas naman iisa lang ang naging bahay ko ever since. Pero kung makalipat man kami, malungkot man but it's for the better. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...