July 16, 2023

Our Future


Yung only thing na nagbibigay sakin ng pag asa sa buhay is yung future ko kasama yung asawa ko. Kung hindi ko siguro nakilala yung asawa ko and kung hindi kami magkasama ngayon baka nalugmok na ko sa matinding depression. Siya yung peace ko. Pag nagagalit ako or nalulungkot just spending time with him is enough para kumalma ako. Napaka swerte ko kasi sa kanya. Ang bait, very devoted, matulungin and sobrang concerned hindi lang sa akin but sa mama ko, mga pets ko and pati na din dito sa bahay ko na punong puno ng sira. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sya. Hindi madali mag isa sa buhay. Well hindi naman talaga ako mag isa pero parang ganon na din kasi ang mama bedridden and ulyanin na. 

Very excited ako for our future. Sana ma approve yung US spousal visa ko para we can start a whole new life in the US. Sobrang magtatrabaho ako ng maayos don, mag iipon, mas mamahalin yung asawa ko and pati yung family nya na walang ibang ginawa kundi pakitaan ako ng maganda. Mahal na mahal nila ako kaya mahal na mahal ko din sila. I can't wait na matutong mag drive don, ma experience yung buffets nila, see their beautiful cities, mag sailing, experience my first snow, mag grocery on my own and madami pang iba. I know na it's not going to be an easy experience kasi first time ko to travel sa US and tumira. Homesickness ang major worry ko tapos nag iisang Asian ako sa family nila and aware naman ako sa mga problema ng colored people sa US pero kakayanin ko yun kasi ginusto ko to eh. Tyaka kasama ko naman ang asawa ko and family nya to protect me. Pero alam ko na they will not always be around to protect me kaya kelangan matuto din ako to protect and defend myself.

Sobrang excited ako pero I will make sure na maging part ka ng journey ko. I will update you as much as I can. Promise walang iwanan.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...