Para na kong mababaliw sa kaka isip kung saan pa kukuha ng pera pangtustos sa gastusin for mama. Hirap na hirap na ko mentally, emotionally and physically. Mentally kasi halos mabaliw na ko dito kaka isip paano pagkakasyahin yung pera para lang maibigay lahat ng medical needs ng mama. Emotionally kasi masakit sakin na nakikita ang mama na nagdedecline. Physically kasi nag iisa lang ako na nag aalaga sa kanya. I mean i hire a caregiver pag nagdadialysis sya kasi parang day off ko na din yun pero hindi naman yun magkukusa na alagaan ang mama ng walang bayad. Ako lang ang nag iisang willing to take care of her ng walang kapalit. Andito nga yung asawa ko para tulungan ako lalo na financially pero ayoko syang abusuhin. Hindi nya responsibility ang mama. May mga bagay na gustong bilhin yung asawa ko pero hindi nya magawa kasi lagi nya kaming iniisip ng mama. Naaawa din ako sa asawa ko and ayokong isipin nya na taken for granted sya. Pero anong magagawa ko kung yung mga taong so called na nagmamahal daw kay mama ay mga ayaw namang tumulong or alagaan man lang sya at bisitahin? Mahirap din pag maldita ka nung kalakasan mo, makikita mo yung consequences pag tanda mo kasi walang mga gustong mag alaga sayo. Unlike kay papa before madaming nangangamusta at willing na alagaan sya kasi napakabuti naman kasi talagang tatay, tito at kaibigan ang papa.
I'm thinking about making mama's dialysis once a week na lang. Kung hindi pumayag ang nephrologist nya eh anong magagawa ko? Hindi dahil sa yun ang gusto ko but dahil yun na lang talaga ang afford ko. Hindi lang naman dialysis ang gastos ng mama kundi gamot nya, injections nya and diapers nya. Hindi biro mag alaga ng matanda. Kaya ayoko man sabihin to pero ang lagi ko lang dasal sa Panginoon eh sana wag na nya pahirapan pa ang mama. Wag na nyang patagalin pa ang sufferings nya. For her sake and for my sake.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.