July 18, 2023

The Zamoras

 


So dumaan this morning yung 2 pinsan ko and yung Tito ko today from my mother side. This is the first time they are seeing my mom since ma bedridden sya. Last pasyal ata nila dito last year pa and mama can still walk that time. Thankful ako at finally pinasyalan nila ulit ang mama kasi from my observation medyo nagdedecline na sya and hindi natin alam baka eto na ang last chance nila na makita ang mama. 

Kabado din ako kasi first time din nila mami-meet nung isa kong pinsan and most especially nung tito ko yung asawa ko. May history ng pagiging judgemental yung tito ko pero i'm so happy na tanggap nila yung asawa ko. Masaya sila na tinutulungan ako ng asawa ko sa pag aalaga sa mama ko. Alam nila na hindi ko kakayanin lahat if nag iisa lang ako. Pasalamat din ako kasi mismong si mama ang nagkukwento kung gaano namin sya inaalagaan. Very grateful din sya for having my husband as her son in law. Masarap yung madinig from her and happy ako na nadidinig din yun ng mga kamag anak ko directly from mama's mouth. Ang lagi ko kasing worry eh isipin nila na pinapabayaan ko ang mama. Lahat naman ng makakaya ko ginagawa ko for mama and gusto ko ma realize nila yun. 

Anyways all I can say now is today's been a good day. Everything went well and i'm very proud sa asawa ko and I guess to myself na din. Sabi nga nila I should give myself more credit kasi hindi biro ang sacrifices ko. Thank you Lord for this good day. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...