December 07, 2023

Happy 3rd Anniversary My Love

 


My husband and I celebrated today our 3 years of being together. Ang sarap ng pakiramdam na I finally met the right person for me na makakasama ko habang buhay. Wish ko for everyone na makatagpo sila ng taong para sa kanila. Yung talagang mamahalin sila at makakatuwang nila sa buhay. Yung andyan para sa inyo through thick and thin. Ako, dumaan talaga ako sa butas ng karayom para lang makilala ang asawa ko. Hindi naging madali. Ang dami munang heartbreaks, moments of depression and disappointments. Muntik na nga akong sumuko. Actually andoon na nga ako sa point na tanggap ko na na tatanda na akong mag isa at hindi na magkaka anak. Pero nung naging ganoon na ang mentalidad ko tyaka naman binigay ng Diyos sakin ang asawa ko.

Simple lang ang celebration namin. Pumunta lang kami sa favorite naming Taiwanese restaurant called Shi Lin. We ordered our favorite steamed broccoli, pork chop with noodles, yung favorite kong fried rice, xiao long bao na dumplings and green mango shake! Ay grabe hirap na hirap kaming huminga at maglakad afterwards because of the matinding kabusugan. Gusto ko pa sanang mag ikot ikot sa mall kaya lang inaantok na ko sa sobrang kabusugan kaya we went home na agad. Guess what pagkauwi namin parehas kaming nakatulog agad lol

It was a nice day with my husband. I can proudly say na I’m contented with my life right now. Mahal na mahal ko ang asawa ko and our unborn baby Calvin na we will be meeting next year. I love my life :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

House Hunting Sucks

  First time ko na experience mag house hunting dito sa US and ang sakit pala noh pag hindi nag push through yung transaction. We spent so m...