For the first time in so many years I’m finally excited again for Christmas. Ilang taon ding naging malungkot ang pasko ko. Don’t get me wrong, naging mabuting magulang ang parents ko sa akin. Naibigay nila lahat ng needs ko. Pero totoo ang sabi nila na ang pasko usually for the children. Sila ang mas excited for it. Pag nagkaka edad ka mas nagiging aware ka of your surroundings and reality in life. Kaya nung namulat na ko sa realidad ng buhay parang nahirapan na akong maging masaya. Pakiramdam ko may kulang. Hindi naman kulang sa financially pero yung pakiramdam na may nagmamahal sayo. I know mahal ako ng parents ko pero iba pa din yung nagmamahal ka and may nagmamahal sayo na partner mo.
Naaalala ko din na in the past pag pasko dito sa bahay it’s usually about other people. Ang laman ng bahay dati puro bisita at mga taong hindi ko kakilala. Yung energy namin ng parents ko was focused on making the guests happy. Hindi ko ma enjoy yung araw kasi pagod kami and stressed out ako sa dami ng tao. Napakahirap specially for me na introvert. Ang lagi kong dasal noon na sana dumating yung time na ma celebrate ko ang christmas ko in my own way.
Ngayong may asawa na ko and baby na parating sa March, ibang level na ng happiness ang pasko ko this year. I can finally savour every moment with my beloved husband and my baby sa tyan. May sarili na kaming buhay and we can finally control kung sino lang ang magiging parte ng pasko namin. I love the freedom and the tranquility. Kaya yes, I’m finally excited for the upcoming Christmas and New Year. Thank you Lord for finally giving me this chance.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.