Totoo pala yung sinasabi nila na pag nabuntis ka lalabas kung sino talaga ang mga tunay mong kaibigan at eto na nga lumabas na nga lol Ever since naman talagang konti lang ang friends ko eh. Medyo mapili din ako and hindi masyadong pala kaibigan. Pero i have existing sets of friends na nakilala ko pa since elementary days. Akala ko noong una sapat na yun, hindi pala. Habang tumatanda ka pala you'll need more friends pero ang masakit kasi habang tumatanda ka pa unti na din ng pa unti ang friends mo.
Aminado naman ako na medyo desperado ako sa friends ngayon. Lalo pa ngayon na buntis ako kasi may mga moments talaga na aatakihin ka ng loneliness and ang gusto mo lang is a friend who'll share the same experiences with you. Sa sobrang desperado ko napupunta tuloy ako sa taong mapagsamantala at may hidden agenda. Instead of me satisfying yung need ko for a good friendship, i always end up feeling used and heartbroken. Never again.
Mahal na mahal ko ang asawa ko. He's my bestfriend and never syang nawala sa tabi ko. Suportado nya ko financially and emotionally. Pati dito sa bahay sya ang kumikilos para mabawasan ang workload ko pero may times na i crave pa din for a girl bestfriend. Yung makaka kwentuhan ko about my pregnancy journey. Yung magshe-share din sya ng sarili nyang experiences with her pregnancy. May isa akong friend who went to the same journey kaya lang she's too busy to even spend time with me kasi nga pamilyadong tao na din and napakarami nyang anak.
Minsan tuloy nagsisisi ako kung bakit naging masyado akong choosy sa kaibigan before. Pakiramdam ko tuloy nagkamali ako kasi mukhang i pushed all the wrong people away because i was too busy remaining loyal sa mga taong hindi naman deserving sa loyalty and friendship ko.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.